Nadine Lustre, wala munang plano mag-anak

KUNG ang ilan sa mga kasabayan niya sa showbiz ay kinakarir na ang motherhood o ‘di kaya’y naghahanda na sa pagpapakasal, iba naman ang plano sa buhay ni Nadine Lustre.

Sa kanyang recent interview sa vlog channel ng Aivee Day kung saan isa siya sa mga endorsers, buong tapang na sinagot ng dalaga ang mga personal questions na may kinalaman sa posibilidad na maging isang ina.

Noon, kapag tinatanong si Nadine kung ilang anak ang gusto niya, palaging ‘dalawa’ ang kanyang sagot. Nagbago na raw ang opinyon niya rito dahil na rin sa mga nangyayari sa mundo ngayon.

“Before, every time people would ask me that, I would say two,” aniya. “But now, I’d say wala.”

“I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at right now.”

Ang kanyang rason?  “Just because there’s so many people na on Earth,”

Maliban dito, aware si Nadine na maraming bata ngayon na nabubuhay na mas nangangailangan ng pag-aaruga ng isang matinong magulang. Mas open ito na mag-ampon sa ngayon kaysa magbuntis at manganak.

“And I do believe there are a lot of kids that don’t have parents and who need taking care o. I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt.” sambit nito.

Hindi naman sarado ang kanyang isipan sa posibilidad na ito’y magbuntis.

“If I do get pregnant, I’ll go with it. “But right now, that’s where my head’s at—I would rather adopt.” paglilinaw ng aktres.

Isa si Nadine Lustre sa kakaunting artistang babae na buong tapang na sinasagot ang mga ganitong katanungan.

Kung fan ka ni Nadine, maganda na panoorin ang interview na ito lalo na kung interesado kayo sa 12 tattoos ni Nadine na may mga interesting history.

Sa mga nakakamiss kay Nadine, just keep streaming her Wildest Dreams album. Feeling namin, soon ay magkakaroon na ito ng online concert. Kering-keri naman niya, eh! Work na lang muna bago maging mumshie!