Nadine Lustre, umi-effort na makawala sa ‘anino’ ni Kathryn Bernardo

ADVERTISING

Nadine Lustre, umi-effort na makawala sa ‘anino’ ni Kathryn Bernardo

Nadine-LustreMAY CONSCIOUS effort sa part ni Nadine Lustre na ibahin ang kanyang hairstyle, make-up at pananamit para raw hindi siya laging maikumpara kay Kathryn Bernardo. Pero magkaganu’nman, may mga anggulo pa ring hawig niya si Kathryn.

ADVERTISING

“Hindi po talaga maiiwasan na pagkumparahin kami, eh, kaya ako na ang gumagawa ng way para maiba ang itsura ko,” sambit ng dalaga.

Pero kahit para sa iba ay “copycat” ni Kathryn si Nadine, umi-effort naman ang huli na makawala sa “anino” ng ka-loveteam ni Daniel Padilla. At maganda ‘yon!

Si Nadine ay kasama nina James Reid at Joseph Marco sa pelikulang Talk Back and You’re Dead ng Skylight at Viva Films. Follow-up movie ito nina James at Nadine after Diary Ng Pangit na naging blockbuster hit.

ADVERTISING

Si Andoy Ranay ang direktor ng Diary ng Pangit at Talk Back And You’re Dead.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING