Nadine Lustre todo-indak sa bagong Wildest Dreams remix dance video

WANT MORE of Nadine Lustre? Hindi man ninyo regular na napapanood si Nadine ngayon sa teleserye o sa pelikula, hindi naman ito nawawalan ng pagkakaabalahan.

Pagkatapos ng successful launch ng kanyang Wildest Dreams album, paunti-unting naglalabas ang Careless Music Manila ng mga video performances ni Nadine kung saan kinakanta niya ng live ang kanyang mga bagong obra.

Nadine Lustre todo-indak sa bagong Wildest Dreams remix dance video
Nadine Lustre

Ang latest ay ang isang collaboration dance video kung saan sinayaw nito ang remix version ng kanyang title track na ‘Wildest Dreams‘ kasama ang A-Team ng Jordan Manila. Bonggang-bongga si Nadine dahil popstar na popstar ang dating niya rito. Naalala din namin ang kanyang huling pelikulang ginawa na ‘Indak’ kung saan gumanap siya bilang isang probinsyana na naging isang star dancer sa isang hiphop contest.

Mukhang masaya naman si Nadine sa estado niya ngayon sa buhay. Hindi na siya siya ang hilong-talilong na sa dami ng proyekto ay wala na itong panahon na makapag-pahinga. Kita sa output ng kanyang recent music efforts na she took time to produce a quality product with the help of her producer, her ex (?) boyfriend and ka-loveteam na si James Reid.

Speaking of James, co-writer rin si Nadine ng bagong kanta ni James Reid na ‘Soda’. Halatang tungkol sa pinagdaanan ng relasyon nila ang kanta. By the looks of it, mukhang mas nakafocus si James ngayon sa behind-the-scenes ng kanyang music label while making sure that his star talent Nadine Lustre succeeds. Abangan na lang natin at malay niyo, baka magkaroon na rin ng virtual concert si Nadine na usong-uso ngayon at kayang-kaya naman niyang itawid, noh!

Panoorin ang pag-Indak ni Nadine Lustre sa ‘Wildest Dreams’ remix.