Nadine Lustre, secure na secure sa relasyon nila ni James Reid

Nadine Lustre, secure na secure sa relasyon nila ni James Reid

Nadine Lustre and James Reid
Nadine Lustre and James Reid

Maraming girls ang insecure kay Nadine Lustre.

Kasi naman, ‘di hamak na mas marami ang mas maganda sa kanya, pero siya ang pinili ng boyfriend niyang si James Reid para maging girlfriend ng hottest and sexiest bagets star ngayon sa showbiz.

Marami ang naiinggit. Marami ang ngitngit sa pagkaimbiyerna sa dalaga.

Kahit sa kabila ng kaliwa’t kanang pang-iintriga kay James (na babaero diumano ito) para magselos ang dalaga at maging rason para hiwalayan niya ang boyfie, deadma si Nadine Lustre. Wa care, ‘ika nga.

Ang mga girls, isinusumpa si Nadine na imbis sa kanila mapunta si James, ang binata, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya sa kanyang girlfriend.

Si Nadine, secure na secure sa estado niya kay James Reid. Pero ang dalaga, kinakabahan dahil pakiwari niya, gagawa nang hindi maganda ang bashers niya dahil sa selos nila sa kanya at siya nga ang pinili ng binata.

Mas lalong mai-insecure ang mga bashers ni Nadine kapag napanood ng mga ito ang summer offering ng Viva Films na “This Time” na sa mga nakapanood na ng trailer ng pelikula, super-duper sweet ang mga eksena ng dalawa na mapanonood na sa May 4 sa direksyon ni Nuel Naval.

Kung dati na hindi pa officially magkarelasyon ang dalawa (only last February 11 lang naging sila), may kilig na ang mga nauna nilang mga pelikula, what more na ngayon ay official na ang relasyon nila habang ginagawa nila ang “This Time”? Malamang sa hindi, ang mga bashers at may inis kay Nadine, magngingitngit sa inggit.

Ang takot lang ng dalaga ay baka saktan siya ng may mga may masamang iniisip laban sa kanya.

“Kasi you won’t believe kung gaano ka-grabe ‘yung iba pong supporters sa kanya. Like they would go crazy just to ask for a photo and just to see him. So parang nakakatakot, baka awayin ako or something,” pahayag niya sa isang interview.

Pero may assurance naman ang kanyang boyfie na si James sa kanya na nagpapataba ng puso ng dalaga, “She don’t have to worry. I will always protect her no matter what…”

Reyted K
By RK VillaCorta