Nadine Lustre, nag-two-piece bikini sa beach outing nila ni James Reid

ADVERTISING

Nadine Lustre, nag-two-piece bikini sa beach outing nila ni James Reid

Nadine Lustre In Two-Piece Bikini
Nadine Lustre In Two-Piece Bikini
James Reid & Nadine Lustre With Lauren Reid
James Reid & Nadine Lustre With Lauren Reid

Tatahi-tahimik lang sina James Reid at Nadie Lustre last weekend na hindi natin namamalayan na nakapuslit na pala ang mag-sweetheart patungong Cebu para sa kanilang much needed and long overdue vacation mula nang dumating sila galing sa USA-Canada Tour nila and at the same time ay launching ng libro nilang “Team Real”.

Yes, pumuslit ang dalawa kasama ang mga ilan nilang showbiz and non-showbiz friends at nagliwaliw sa Queen City of the South and at the same time ay nag-enjoy sa magandang beaches ng Cebu.

Sa bakasyon nina James Reid at Nadine ay nakasama nila ang kapatid ni James na si Lauren (na papasukin na rin ang showbiz), dating PBB cutie na si Ivan Dorschner, ang nakababatang kapatid ng aktor na si Jack (na nagsi-showbiz na rin), at ang bestie ng binata na si Bret Jackson.

Sa Cebu holiday ng dalawa, nakunan si Nadine Lustre na naka-two piece bikini na hindi naman ganu’n ka-super sexy ang suot kaya walang dapat ika-insecure at ikaselos si James kung sakali.

ADVERTISING

Sa pagkakaalam ko, si Nadine, allowed na magbakasyon nang two weeks habang si James naman ay nakabakasyon from his work for two months since dumating sila from their USA-Canada Tour.

As of this writing, nagsimula na rin ang bagong teleserye ng dalawa na may tentative title na “‘Till I Met You” na nasa direksyon ni Hugot Director Antoinette Jadaone, na siyang nag-offer ng “On the Wings of Love” na nagbuo ng JADINE love team sa telebisyon na itinawid hanggang sa pelikula at concerts.

Ang bagong serye ng dalawa ay mapanonood very soon sa sa Kapamilya Network at produced ng Dreamscape Entertainment.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING