Nadine Lustre, maraming nadidiskubre kay James Reid

Nadine Lustre, maraming nadidiskubre kay James Reid

Nadine Lustre
Nadine Lustre

Sa May 11 ay birthday ni James Reid. Kaya nga sa kabisihan ni Nadine Lustre (girlfriend ng binata), may regalo na raw siyang nabili para sa BF na ayaw niyang i-share kung ano ‘yun at kung saan niya binili.

Sa tsika ng dalaga sa media last night (Saturday, April 30), nag-share si Nadine tungkol sa update ng kanilang relasyon ni James.

Pero the usual, nothing new. Nothing spectacular. Pero alam mo, habang nagkukuwento siya ng tungkol sa ilang discoveries niya sa binata ay alam mong masaya si Nadine Lustre.

Lalo na si James Reid na habang tinitingnan ang dalaga na nagkukuwento sa press ng feelings niya towards him ay pangiti-ngiti lang ito .

“Like ‘yong pagpa-plantsa niya, I discovered na magaling siyang mag-plantsa kaysa sa akin,” pagngiti ni Nadine.

Pagbabalita pa ni Nadine na after James birthday on May 11, lilipad naman sila patungong US for some series of shows na karugtong ng kanilang JADINE in LOVE World Tour.

Sa mga baguhan nating mga artista na kaliga nila, mas type ko ang JADINE dahil napaka-open nila. Straight forward na hindi mo makikita sa KathNiel na kinulapulan na ng plastic at packing tape. Hahahah!

Sa bagong pelikula nina James at Nadine na “This Time” na mapanonood na sa Wednesday, May 3, much sweeter ang dalawa at makikita mo sa mga eksena nila dahil ito ang unang pelikula nila na ginawa na openly ay sila na (o magkarelasyon na.)

Reyted K
By RK VillaCorta