Nadine Lustre at James Reid, ‘di na napigilan ang damdam para sa isa’t isa

ADVERTISING

Nadine Lustre at James Reid, ‘di na napigilan ang damdam para sa isa’t isa

Nadine Lustre at James Reid, ‘di na napigilan ang damdam para sa isa’t isaSabi ko na nga ba’t may something na namamagitan between James Reid at Nadine Lustre noong humarap ang dalawa sa finale presscon ng kanilang super kilig-serye na “On The Wings of Love” na magtatapos na sa darating na Friday, February 26, kung saan ngayon pa lang ay pinag-uusapan na kung ano ang magiging ending ng love story nina Clark at Leah dahil sa pagpasok ni Simon (played by Paulo Avelino) na siyang kontrabida ngayon sa lovelife at posibleng pagbabalikan nina Clark at Leah na sa kuwento ay almost two years nang hiwalay.

ADVERTISING

Pero sa ginanap na concert na JADINE in LOVE last Saturday sa Araneta Coliseum, nasorpresa ang mga nasa loob ng Big Dome at sa mga nasa bahay nila na nanood ng sold-out show via pay per view sa pag-amin ni James na silang dalawa na talaga ni Nadine.

Yes, ilang araw bago sumapit ang Valentine’s Day (February 11) ay sinagot na ng dalaga ang binata. Yes, sina James Reid at Nadine Lustre, sila na nga.

Kaya kung magtatanong kayo kung ano ang magiging ending ng serye sa Biyernes, malamang, hindi sisirain ng Dreamscape Entertainment ang ilusyon ng milyun-milyong mga supporters at fans ng dalawa at si Leah, makikipagbalikan kay Clark na sa mga ikinikilos ng dalaga ay alam mong mahal na mahal pa rin niya ang asawa.

ADVERTISING

From reel to real ang love story nina James at Nadine. Naalala ko pa noong media launch ng “On The Wings Of Love” na inamin ng dalawa na friends lang talaga sila. Ilang beses din silang nagsama sa mga projects making them close sa isa’t isa at palagi nilang sinasabi at iginigiit na “friends” lang talaga sila.

Pero wala talagang makapagpipigil sa tunay na nararamdaman ng isa’t isa sa halos araw-araw nilang pagsasama sa taping na ma-develop sila na, ang “friends lang” na feelings nila James at Nadine ay mauuwi sa totohanang romance.

Ang pag-amin ni James at inihayag ang true feelings niya last Saturday na saksi ang ilang libong fans nila at sa mga nanood sa kani-kanilang mga bahay was an unplanned public admission.

Ayon sa post ng kaibigan MJ Felipe of ABS-CBN news program na Bandila sa kanyang Twitter account: “The announcement talaga was the finale viewing party. James’ personal announcement was unplanned. He requested to turn off the music.”

Sa interview niya sa dalawa after the show, ang pagamin ng binata ay siyang tunay nitong nararamdaman. Sabi ni James: “I said it coz I really love her”, na ang sagot naman ng dalaga sa binata:” I love you too.”

Sa nangyaring kaganapan, mabuhay sina James at Nadine for being true to themselves.

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at si Liza Soberano at Enrique Gil, kailan naman kaya aamin sa tunay nilang nararamdaman at estado ng kanilang friendship?

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING