Nadine Lustre itinuturing na ‘great love’ si James Reid

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay ibinunyag ng Wildest Dreams singer na si Nadine Lustre sa pamamagitan ng panayam sa kanya ni Karen Davila na November 2019 pa sila naghiwalay ni James Reid. January 2020 nang kumpirmahin ng dalawa sa publiko ang kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Nadine Lustre itinuturing na 'great love' si James Reid
Nadine Lustre

“We just wanted to work on ourselves. I get that people are sad about it but for us, it was a mutual decision. He had to take care of his family, focus on his career. I had to focus on my career and take care of my family as well and myself,”

Nilinaw din ng dalaga na magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon: “There’s no bad blood or anything. No [third party]. Wala talaga. It was a mutual decision.”

Kahit na sa ngayon ay nananatiling professional ang kanilang relasyon (si James ang CEO ng Careless Music Manila na producer ng kanyang Wildest Dreams album), thankful pa rin si Nadine na naging sandalan niya si James nang ito’y nalugmok dahil sa nangyari sa kanyang kapatid.

“Naging stand siya for me kasi I was so depressed. I could not eat. I had no appetite. Down talaga ako. Siya talaga ‘yung humawak sa akin and kept me standing.”

Tinawag rin niya na “great love” niya si James: “We learned a lot of things. We grew a lot. We were helping out each other. Hindi siya ‘yung basta basta na pa-sweet lang. Marami akong natutunan sa relationship namin. A lot of me changed because of that, for the better of course. I opened up myself to a lot of new things. Great love talaga siya.”

Nadine Lustre itinuturing na 'great love' si James Reid
James Reid at Nadine Lustre

Nang tanungin kung handa na ba siyang magmahal muli,  “We’ll see. I am sure naman. Kasi love naman, hindi lang naman iyan pang isang tao. Hindi lang siya for an intimate kind of love. It’s for everyone.”

Naku! Siguradong hoping pa rin ang mga loyal JaDine fans!

Miss mo na ba sa Nadine Lustre? Panoorin ang kanyang ‘Absolute Madness’ virtual concert sa Kumu ngayong July 3!

Previous articleSarah Geronimo sinorpresa ang mga fans sa kanyang bagong hairstyle
Next articleVLOG WATCH: Yeng Constantino covers Avril Lavigne songs (Complicated / Wish You Were Here)