Nadine Lustre, ipinagtanggol si James Reid sa isyu ng pagiging playboy

ADVERTISING

Nadine Lustre, ipinagtanggol si James Reid sa isyu ng pagiging playboy

Nadine Lustre and James Reid
Nadine Lustre and James Reid

Sa halip na magselos ay ipinagtanggol pa ni Nadine Lustre ang boyfriend at ka-love team na si James Reid tungkol sa isyung playboy ito, dahil sa viral video na lumabas.

Sabi ni Nadine sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda” last Tuesday, “Hindi naman playboy. Regarding the video, ‘yung mga nandoon naman sa video, kilala ko naman po ‘yun. Kung sino ‘yung nandoon sa car. So, hindi naman po ako affected or worried.”

Matatandaang katakut-takot na bash ang inabot ni James nang lumabas ang video, kung saan makikita siya sa kotse kasama ang mga kaibigan, kabilang na ang dalawang babae.

May nagsabi tuloy na baka hindi raw talaga magdyowa sina Nadine Lustre at James Reid. For the sake of their fans lang daw siguro ang pag-amin na sila na ngayon.

ADVERTISING

Naging reaction naman ni Nadine sa mga hindi naniniwala sa kanilang relasyon ni James.

“If ayaw nilang maniwala, it’s up to them. Basta ang importante po, me and James, we know what’s real and we know the truth. That’s what important,” aniya.

Pagkatapos ng “JaDine Love” world tour, magpo-focus naman sila ngayon sa pelikulang “This Time”.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING