Nadine Lustre, ibang klaseng magselos

Nadine Lustre, ibang klaseng magselos

Nadine Lustre
Nadine Lustre

Naikuwento sa amin ni Nadine Lustre kung paano siya magselos nang makausap namin siya sa “This Time” pocket presscon.

“Ay, iba po akong magselos. Hehehe! Binabato ko po ‘yung telepono… Ano po kasi ako, bata pa po ako no’n, hindi ko pa rin naman po kasi alam,” sabi pa niya.

Mabuti’t hindi tinamaan ang ex-boyfriend na pinagselosan niya?

“Sa sahig ko lang naman po binato. ‘Yon naman po ‘pag super galit na talaga ako. Hindi naman po ‘yung mababaw lang na selos,” rason pa niya.

Nag-uusap ba sila ni James Reid para mawala ang selos sa isa’t isa?

“Alam niya (James) naman po kung ano ‘yung… same with me rin po, like ‘yung mga bagay na maa-upset siya, malulungkot siya or maiinis siya, hindi ko po ginagawa.”

Muling nagbigay ng reaksyon si Nadine Lustre sa sinasabi ng iba na pang-promo lang para sa pelikula nilang “This Time” ang kanilang  relasyon at pagiging sweet.

“Ang importante naman po is ‘yung kaming dalawa. Hindi naman po importante na maniwala sila sa amin. Kung ayaw po nilang maniwala, okey lang po,” pahayag ni Nadine.

Palabas na ang “This Time” ngayong May 4 mula sa Viva Films.

La Boka
by Leo Bukas