Nadine Lustre, gustong dalhin si James Reid sa langit

ADVERTISING

Nadine Lustre, gustong dalhin si James Reid sa langit

James-Reid-Nadine-LustreSA PAKIKIPAGTSIKAHAN nina Nadine Lustre at James Reid sa Abunda and Aquino Tonight, naibulgar ng dalawa kung saan nila gustong pumunta na magkasama. Tinanong kasi ang dalawa nina Boy Abunda at Kris Aquino kung nagkataon na may wings sila, saan nila gustong pumunta.

Si James ay gustong dalhin si Nadine sa Greece samantalang ang huli naman ay gustong pumunta ng langit at isasama niya si James.

Pero mas kikiligin ang fans ng dalawa sa first teleserye nilang On The Wings of Love na nagsimula na last Monday sa ABS-CBN pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi naman ikinaila ng dalawa na may pressure silang nadarama, pero super happy naman dahil kasunod ng Pangako Sa ‘Yo na marami nang sumusubaybay ang kanila namang serye.

ADVERTISING

Isang karangalan nga raw kay James na mabigyan din sila ng first teleserye sa Dos na ngayon lang nila mararanasan.

Sana raw ay tangkilikin din ng televiwers ang kanilang On The Wings of Love dahil maraming matutunang leksyon sa kanilang first teleserye sa Dos.

Kasama rin nila sa cast sina Cherrie Pie Picache, Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casiño, Nanette Inventor, Isay Alvarez, Katya Santos, at iba pa sa direction nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin sa ilalim ng production ng Dreamscape Entertainment Television.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING