Nadine Lustre, ginaya ang mukha ni Kathryn Bernardo sa magazine cover

Nadine Lustre, ginaya ang mukha ni Kathryn Bernardo sa magazine cover

Nadine-LustreTIYAK NA maba-bash na naman si Nadine Lustre. Nakita kasi namin ang young actress na kasama si Janine Gutierrez sa cover ng isang magazine. The two were photographed beautifully. Ang ganda nina Janine at Nadine, glamorosang-glamorosa sila.

Kaya lang, kapansin-pansin na kamukhang-kamukha ni Kathryn Bernardo si Nadine sa cover pictorial. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo talagang si Kathryn si Nadine. Magaling ang make-up artist ni Nadine. Nagawa niyang kamukhang-kamukha ng dyowa ni Daniel Padilla ang ka-love team ni James Reid. With this, tiyak na magwawala na naman ang KathNiel fans at sasabihing gaya-gaya na naman si Nadine. Wanna bet?

Anyway, ang isa pang chika, Nadine will reprise daw the role of San Chai sa Pinoy adaptation ng Meteor Garden. Totoo kaya ito? Aba, napakasuwerte naman yata ni Nadine.

Bukod dito, meron pang movie si Nadine na malapit nang mag-showing. How suwerte can this girl get, ‘no?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas