Nadine Lustre, ‘di pa handang magpaseksi

ADVERTISING

Nadine Lustre, ‘di pa handang magpaseksi

Nadine Lustre
Nadine Lustre

Kahit malakas ang laban ni Nadine Lustre sa survey na ginagawa ng FHM para sa kanilang magazine, waley ding ganap kung sakaling mag-top si Nadine Lustre over Jessy Mendiola.

Hindi rin papayagan ng management company ng dalaga, ang Viva Artist Agency (VAA), na rumampa sa naturang pa-contest.

Hindi man nagtu-two piece tulad ng ibang mga kalahok sa paseksihan ng FHM pa-contest sa kanyang mga pictorials or even sa mga pelikula niya, ang lakas ng sex appeal ng dalaga para sa mga kalalakihan making her sa top post.

Pahayag ng manager ni Nadine na si Veronique del Rosario-Corpuz sa book launch nila ni James na “Team Real” recently that she won’t allow Nadine to join the event.

ADVERTISING

With Nadine’s tweetums image and peg sa showbiz, parang minamadali mo naman ang karir ng dalaga para ihanay sa mga artistang nagpapa-seksi or nagbi-bikini.

Sayang naman ang effort ng VAA at ni Ms. Vernonique na talupan na agad-agad si Nadine at pasuotin ng two-piece gayong tanggap na tanggap pa rin siya at sinusuportaha ng mga fans kung ano man ang estado at imahe niya sa showbiz.

Ang boyfriend na si James, I’m sure, kahit ngingiti-ngiti lang ang binata sa pang-uurirat ng mga press sa kanya tungkol sa isyung ito, sigurado ako, ayaw ni boyffie siyempre na i-share ang kaseksihan ng girlfriend, ‘no!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING