Nadine Lustre, binastos ng KathNiel fans

ADVERTISING

Nadine Lustre, binastos ng KathNiel fans

Nadine-LustreBINASTOS SI Nadine Lustre ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kumalat ang chika ng pambabastos ng KathNiel fans sa social media. Ang daming nabuwisit sa fans’ club ng dalawa.

Ang chika, nag-mall show sa Pampanga si Nadine recently to promote something. During her performance ay bigla raw naglabas ng malaking tarpaulin ang ilang KathNiel fans para ipahiya ang dalaga. Talagang iwinagayway pa nila ang tarp para lang mapahiya ang ka-love team ni James Reid. Sigaw pa nang sigaw siguro ang mga hitad na fans.

Sinasabing ang ilang members ng KathNiel Sparks Pampanga Chapter ang behind the pambabastos kay Nadine. Hindi nila siguro ma-take na sumisikat na ang JaDine na love team nina James at Nadine. Siguro ay nate-threaten sila sa papasikat nang love team ng dalawa kaya naman gumagawa sila ng paraan para sirain ang sinasabing biggest rival ng KathNiel tandem. Kaso, sila mismo ang napapasama.

ADVERTISING

Lumalabas na BASTOS sila, WALANG PINAG-ARALAN at kahiya-hiyang members ng isang fans’ club.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING