Nadine Lustre biktima at ninakawan pa ng pera ng kaibigang influencer

Leo Bukas

INAMIN ni Nadine Lustre na may pagkakataong naging greedy siya noon pagdating sa pera lalo na nung hindi pa niya raw masyadong alam kung paano ito gastusin nang maayos.

Nadine Lustre biktima at ninakawan pa ng pera ng kaibigang influencer
Nadine Lustre

“When it comes to kung kailan po ako naging greedy, I think meron po kasing time na siyempre, mas bata pa po ako no’n, so kapag may pumapasok na pera, medyo nakakalimutan ko na kailangan ko pala siyang itabi. Kailangan ko pala siyang i-save para sa future,” pagtatapat ng bida ng pelikulang Greed sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula.

Patuloy ni Nadine, “Minsan, nagagastos ko, especially sa maliliit na material things like eating out, buying mga items like mga bags, designer stuff. I guess, in a way, understandable din naman. Not necessarily because of my line of work but also because, hindi pa rin ako marunong mag-save nung time na yon.

“And hindi ko talaga naa-appreciate yung value ng pera. So, para sa akin, kapag may pumapasok, parang ang dami kong gustong bilhin. Gusto kong i-enjoy yung pera.”

Nang naging matured ay naging masinop na raw siya sa mga perang kinikita.

“Now that I’m older, I’m more aware of the money that I’m receiving. Mas masinop po ako sa pera, mas matipid po ako ngayon. I’m not really the same anymore. I do save money for the future. It’s completely different,” deklara pa niya.

Ibinahagi rin ni Nadine sa Greed mediacon na nabiktima siya noon ng isang kaibigang influencer at ninakawan pa siya ng pera nito.

“I think, with first hand experience, medyo malala kasi, it’s in all aspects. That person is supposed to be my friend,” kuwento niya. “Everyone was telling me na she’s a social climber, na dumidikit lang po sa amin because may pangalan po kami and she also wants to get on the train.

“So eventually po, like she would get projects din like hosting. Kasi, she’s an influencer rin, for posting because she’s hanging-out with us,” pagre-recall ni Nadine.

“It got worse kasi parang we found out na nagnanakaw na po siya ng pera. There was one time na I had money in my room, biglang nawala po yung pera. And it so happened that she was the only one who went inside the room. And we found out that she’s been stealing from other friends as well. So I guess, you can say that’s totally greed,” dagdag pa ng aktres.

Meanwhile, ang Greed na isang suspense thriller at mapapanood sa Vivamax ay sa direksyon ni Yam Laranas at pagbibidahan din ni Epy Quizon.

Previous articleTop 5 KDramas to Watch This April 2022
Next articleMcCoy de Leon walang masabi sa live-in partner: ‘Sobrang perfect si Elisse’