Nadine Lustre, ayaw paasahin ang fans; nilinaw na magkaibigan lang sila ni James Reid

ADVERTISING

Nadine Lustre, ayaw paasahin ang fans; nilinaw na magkaibigan lang sila ni James ReidNilinaw ni Nadine Lustre na magkaibigan lang talaga ni James Reid and nothing romantic ang nangyayari sa kanilang dalawa ng ka-loveteam.

Noon kasing Huwebes, Januray 21, sunud-sunod ang tweets ni Eric John Salut, publicist ng ABS-CBN, hinting na magkarelasyon na raw sina James at Nadine Lustre, na ikinakilig naman ng maraming JaDine fans na gustung-gustong magkataluyan sa totoong buhay ang kanilang mga idol.

Sabi ni Eric John sa kanyang mga tweets:

“Wala ba kayong napapansin kina James Reid and Nadine lately? Iba na! Alam na! Kinikilig ako! #OTWOLConflict — EJS (@ericjohnsalut)

“Happy ako for them. May kilig na ewan. In fairness sa guy, um effort talaga! #OTWOLConflict — EJS (@ericjohnsalut)

ADVERTISING

“Kanina ko lang nalaman. Naloka ako. Basta happy ako for them. #OTWOLConflict — EJS (@ericjohnsalut)

“Kung reporter pa ako, naka SCOOP and EXCLUSIVE na ako! #OTWOLConflict — EJS (@ericjohnsalut)

“Happy for you, James and Nadine! Ingatan nyo yan! #OTWOLConflict — EJS (@ericjohnsalut)

“I wonder kung kailan sinagot ni girl si boy! Waaaaaaahhhhh! #OTWOLConflict — EJS (@ericjohnsalut)

“Let them enjoy whatever they have now. The boy must have realized, she is the one. All this time pala, nasa tabi lang nila ang forever. — EJS (@ericjohnsalut)

Nang makarating sa bida ng “On The Wings Of Love” ang balita, agad siyang nag-tweet kay Eric John na nagtataka kung sino ang source ng publicist.

Ni-retweet naman ni Eric John noong January 23 ang tweets sa kanya ni Nadine para linawin ang tungkol sa balita.

Ani Eric John, “I am tweeting the reaction of @hellobangsie on my tweets hinting that “sila na ni James”.

— EJS (@ericjohnsalut)

“I dont know po who your source is but its not true. We dont want the fans po to expect anything from us.” – @hellobangsie — EJS (@ericjohnsalut)

“We dont want to post anything about it because we dont want you to look bad or we dont want the fans to think that youre making it up lang po. @hellobangsie — EJS (@ericjohnsalut)

“We dont want to disappoint them po, and its kind of putting us in a difficult situation. Me and James are still friends, nothing has changed po.” @hellobangsie — EJS (@ericjohnsalut)

Dahil dito, agad din namang nag-sorry si Eric John kina Nadine at James, at sa JaDine fans.

Sabi ni Eric John, “I respect you, @hellobangsie dahil mabuti kang anak, respectful at disenteng babae. And you deserve the privacy that you want. I wish you happiness. For my own peace of mind, I will no longer talk about @hellobangsie and James and their friendship anymore. Na stress ako texts/calls…. — EJS (@ericjohnsalut)

“…asking if it’s true na sila na. Ngayon lang nangyari ito sa akin, that I get bombarded with questions about a loveteam and their status.. — EJS (@ericjohnsalut)

“I apologize to @hellobangsie and @jamesxreid if my tweets caused them discomfort. Pasensya na, kinilig lang sa “updates” sa kanila. — EJS (@ericjohnsalut)

“At sa mga fellow JaDine fans na na-offend, na-annoy sa tweets ko, sorry po. — EJS (@ericjohnsalut)

By Parazzi Boy

ADVERTISING