Nadine Lustre at James Reid, parehong ganadong magtrabaho lalo’t laging magkasama sa set

ADVERTISING

Nadine Lustre at James Reid, parehong ganadong magtrabaho lalo’t laging magkasama sa set

Nadine Lustre at James Reid, parehong ganadong magtrabaho lalo’t laging magkasama sa setAyon kay Nadine Lustre, mas nagiging madali ang paggising niya sa umaga lalo na kung may syuting siya ng pelikulang “This Time” dahil alam niyang makasasama niya si James Reid sa set.

“Masarap bumangon sa umaga because, uy, magkikita kami, magtatrabaho kami, ganyan. Mas masaya because gusto mo nga ‘yung trabaho mo, and then, magkikita pa kayo, ‘di ba? Parang kumpletong-kumpleto ang araw mo,” nakangiti niyang sabi.

Ganito rin ang feeling ngayon ni James Reid.

“It’s different now because I look forward to going to work especially if you really go to taping days, really long hours, no sleep but I was actually excited to go to work because she can be there and I was sad on days that we have different schedules,” sey naman ng binata.

ADVERTISING

Ang pelikulang “This Time” ng Viva Films ang follow-up project nila after the “On The Wings of Love” series.

Nakabalik na rin ng bansa ang dalawa para ituloy ang shooting ng pelikula na palabas na sa April. Sa May naman ay pupunta sila sa Amerika para sa kanilang world tour ng JaDine Love.

Sa tingin ba nila, they really found forever in each other na katulad ng laman ng kantang “We Found Forever” na sinulat ni James para sa girlfriend nung kanilang first monthsary?

“When people say forever, it’s when you’re in love, it makes you feel like forever because you feel  romantic. The idea that you can be like this forever, you could feel like this forever is so romantic. So that’s why I used the word “forever”,” paliwanag ni James.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING