Nadine Lustre, alagang-alaga si James Reid lalo ngayong nangangayayat ang boyfriend

Nadine Lustre, alagang-alaga si James Reid lalo ngayong nangangayayat ang boyfriend

Nadine Lustre and James Reid
Nadine Lustre and James Reid

Kung makikita mo in person si James Reid at ikukumpara ang panganatawan niya the last time na nakita mo siya na the flesh, ang laki ng nabawas sa kaseksihan ng bagets star ng pelikulang kilig sa tag-araw ng Viva Films na “This Time” na pagsasamahan nila ng reel and real life girlfriend niya na si Nadine Lustre.

Pansin ko agad na nangayayat si James Reid. Malamang dahil sa sobrang sagad-sagarang pagod sa pagtatrabaho.

‘Di nga ba’t kamakailan, laspag din ang katawan ng young hunk nang mag-Middle East and Europe tour sila ni Nadine na halos araw-araw pala ay left ang right din ang activites nila. Kung may lakwatsa man silang dalawa ng girlfriend, mga paningit lang pala ‘yun sa hectic skeds nila while on tour.

Bukod kasi sa concert na pinaghahandaan nila kapag nasa abroad sila, may mga shoot din pala ang dalawa na special JaDine show na ngayon ay ipinalalabas sa Kapamilya Network every Sunday bago mag-ASAP.

Ang pangangayayat ni James ay alaga naman daw ni Nadine Lustre. Laging nagpapaalala ang dalaga sa boyfriend ng mga dapat nitong kainin, ang vitamins na dapat nito i-take at siyempre ang pag-aalaga sa kalusugan na kapag pawisan na ang suot na pang-itaas, si Nadine inaasikaso ang BF sa pagpapalit nito ng T-shirt para hindi ma-pulmonia.

Pero ang isa sa dahilan talaga kung bakit payat si James ngayon ay dahil nagbawas ng timbang ang binata dahil kailangan daw sa role niya sa pelikula, kung saan partly ay may eksena sila sa Japan kung saan nag-shootig sila for almost 5 days.

Kuwento nga ni Nadine, “It was very beautiful lalo na Cherry Blossom.” Na naabutan nila nang mag-shoot sila roon.

Sa mga fans nina James and Nadine, may kuwento kami bukas tungkol sa 2nd month anniversary nila which started last February 11 na noong 1st month nila ay may IG posting ang dalawa at may konting tsika na sa Tagaytay sila nag-celebrate.

Subaybayan sa kolum namin dito sa Pinoy Parazzi.

Reyted K
By RK VillaCorta