Nabuko ang relasyon kay Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo, sinabon at pinagmumura ng ina?

ADVERTISING

<i>Nabuko ang relasyon kay Matteo Guidicelli</i><br> Sarah Geronimo, sinabon at pinagmumura ng ina?

Sarah-GeronimoSarah-GeronimoNAAAWA KAMI kay Sarah Geronimo. Parang wala na sa lugar kahit sabihin pa na ang ina niyang si Mommy Divine ang kumarga sa kanya ng halos siyam na buwan at lumuwa mula sa kanyang sinapupunan na ang isang paa ng isang ina tuwing nanganganak ay nasa hukay na maaaring ikamatay niya.

Pero tama ba o kinu-konsinti na lang ng Pop Princess ang ina?

Balita nga namin, the previous night, nagtalo diumano sina Sarah at ang ina niya dahil kay Matteo Guidicelli na ayon sa kuwento sa amin, nabuko ng ina na ang pang-showbiz na pa-tweetums ng kanyang dalaga at si Matteo ay totohanan at hindi lang pala pang-showbiz.

Nang mabuko diumao ni Mommy Divine ang anak, pinagalitan niya ang kanyang dalaga na dahil bilang isang masunuring anak sa kanyang ina (kahit todo-trabaho siya para sa mga magulang at sa kanyang pamilya), walang katiting na salitang narinig mula sa dalaga.

ADVERTISING

Sabi nga, hindi na bago na talakan ni Mommy Divine si Sarah. Nasanay na rin ang dalaga at nagtetengang-kawali dahil alam niya, ang puso niya, hindi natuturuan sa kabila ng kagandahan na isinusukli niya sa mga magulang at pagmamahal at pag-aaruga sa kanila at sa kanyang pamilya.

Kimkim ang sama ng loob at hindi na nakayanan ang pinagsasabi ng ina, sa sobrang inis diumano n Sarah, nagmuryot, nairita at ang pinagdiskitahan ay ang kanyang magandang buhok. Sa sama ng loob, hindi man niya mamura o masagot ang ina bigla-biglang pinagupitan ng dalaga ang buhok bilang protesta sa kaganapan.

Kaso may sabit. Si Sarah, naka-kontrata sa isang shampoo company at kasama sa kanyang kontrata ay bawal itong pagupitan nang maikli which is common sa mga shampoo commercial models.

Nang umuwi na ang dalaga sa haybols niya, nagalit na naman diumano si Mommy Divine. Pinagtatalakan ang anak kasama ang malulutong na mura na kami rin mismo, hindi makapaniwala na ganu’n ang ina.

Para walang sabit at hindi mademanda, ang sabi may suot na hair extension ang dalaga para manumbalik ang magandang itsura ng buhok nito.

Is it true na during the first shooting day ng movie nila ni Coco para sa Star Cinema, dumating sa set ang dalaga na sakay lang ng taxi?

Ang kuwento, hours before the shooting schedule, nag-away muli ang mag-ina na ang depensa ni Mommy Divine, pinu-protektahan lang niya ang anak na huwag masyadong nahuhulog na ang loob kay Matteo lalo pa’t may pelikula sila ni Coco (utak kapitalista ba si Mommy D.?) na siyempre, as part of the promo lovey-dovey ang dalaga siyempre sa kanyang kapareha.

Nang may TV crew na sumaksi sa first shooting day nina Sarah at Coco under the direction of Jerry Sineneng, pinauna na diumano ng dalaga sa mag-i-interview na no questions about Matteo at sa mga naganap na mga eksena prior to the first shooting day ng pelikula nila.

May pahabol sa kuwentong ito. Pati raw ang ama ng dalaga nagagalit na rin sa pinanggagawa ng dalaga.

 

OVER FATIGUE marahil kung bakit masama ang pakiramdam ng kaibigang Sylvia Sanchez early this week.

Kahit sabihin na may cut-off until midnight lang ang taping nila ng Be Careful with My Heart (sa Pila, Laguna ang location nila), kinabukasan naman kahit kulang pa sa tulog ay ratsada naman siya for the last two weeks para sa workshop nila for her movie with John Lloyd Cruz na ididirek ni Chito Roño.

Kaya nga ngarag palagi si Ibyang (tawag namin sa kanya) lalo pa’t all out ang effort niya sa movie project niyang ito where she plays sa role of a lesbian na ina ni JLC. At para mas maging makatotohanan ang pagiging lesbyana ni Ibyang, nagpaikli siya ng buhay to look like a typical “butch” na T-Bird.

“Ito so far ang pinaka-challenging na role ko in my entire career,” naikuwento niya sa amin.

Ang new hairstyle niya na ang tawag ko ay “Byanang Cut” as in lesbian haircut ay bubulaga sa BCWMY anytime next week.

Sa ngayon, kung may time after her tapings at workshops, nag-e-exposure trip si Sylvia sa iba’t ibang mga joints para obserbahan ang gawi ng mga kapatid natin na mga “byanang”.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING