Nabuking na may iba pang bading: Guwapong aktor, iniwan ng gay benefactor! – Cristy Fermin

ADVERTISING

Nabuking na may iba pang bading: Guwapong aktor, iniwan ng gay benefactor! - Cristy Fermin

Nabuking na may iba pang bading: Guwapong aktor, iniwan ng gay benefactor! - Cristy Fermin“LOOK AT THE ex of your tito!” Pasosyal na komento ng isang magandang kolehiyala sa kanyang kaibigan. Kunwari’y dedma lang kami, pero tutok ang aming tenga

ADVERTISING

sa kanilang chikahan.

Ang ipinagtataka namin, ang sinasabing “ex” ng kolehiyala sa kanyang kaibigan ay lalaki, kaya nag-isip kami, sino ang bading ang tito ng kanyang kaibigan o ang guwapong aktor na inginunguso niya sa telebisyon?

Habang tumatagal ang kuwentuhan ay mas lumilinaw ang senaryo, bading pala ang tito ng kaibigan ng kolehiyala  at minsan isang panahon ay nakarelasyon nito ang guwapong aktor.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

Mula sa South ang bading kaya madalas sa kanilang siyudad ang aktor, kunwari’y sasali sa isang kumpetisyon pero ang totoo ay nagpupunta ang guwapong personalidad sa bahay ng bading na kilalang-kilalang mayaman sa kanilang lugar.

“Matagal din sila, almost three years, sunod ang luho ni ____(pangalan ng guwapong aktor) sa gay benefactor niya. Name it, ibibili siya ng bading.

“Maraming nali-link na artista noon kay ____(ang guwapong aktor)  pero okey lang sa gay benefactor niya, basta ang usapan nila, no gay in between them.

“Kaso, may nabalitaan ang bading, bukod sa kanya, meron pa palang ibang bading si lalaki. Nagkahiwalay sila, ibinabalik nu’ng lalaki ang mga ibinigay sa kanya ng bading, pero pampelikula ang eksena nila nu’n.

“Ang sabi lang ng bading, ‘Don’t return anything, I’m not an Indian giver. Everything came from my heart.’ O, ‘di ba naman? Kaya mapormang-maporma ang guy noon, kasi nga, merong nag-aalaga sa kanya.

“They remained friends. In fact, nu’ng ikasal si ____(ang guwapong aktor), inimbitahan pa sa wedding ang rich gay, pero hindi na lang siya nagpunta, instead, nagpadala na lang ng mga delicacies ‘yung gay mula sa bayan nila sa South.

“Walang alam ‘yung girl siyempre tungkol sa nakaraan ng husband niya at nu’ng gay, ang alam lang niya, magkaibigan ‘yung dalawa. Hanggang du’n lang ang alam niya,” kuwento ng kolehiyala.

Inaasahan na namin ang tawag ng pamangkin naming si Rene de Leon mula sa San Jose, California. Nakatutok silang lahat sa Stanford Hospital sa Pinoy Parazzi, hindi titigil si Rene hangga’t hindi namin sinasabi sa kanya kung sino ang guwapong aktor na bida sa istoryang ito.

MAY ISANG TEXTER na galit na galit kay Toni Gonzaga, walang nakikitang maganda kay Toni ang taong ito, kung kanino nakuha ng texter ang aming number at kung bakit kami ang laging pinadadalhan nito ng mga nakaiiritang mensahe ay isang malaking tandang-pananong din para sa amin.

Tuwing oras ng ASAP’09 ay mas madalas mag-text ang taong ito, lahat ng tungkol kay Toni ay pinipintasan nito pero palagi naman itong nakatutok sa mga programang nilalabasan ng singer-actress.

Para matunton ng mga taga-suporta ni Toni Gonzaga kung sino ang taong ito na nagmamatapang lang naman dahil hindi nagpapakilala, mas mabuti sigurong ilathala na lang namin ang kanyang cellphone number.

Pakimarkahan na lang ng mga tagahanga ni Toni Gonzaga ang cell number 0912-4365824. Halimbawa ng text message nito kahapon nang tanghali habang nanonood ito ng ASAP’09, “Ano ba ‘yang si Toni G. na ‘yan? Kanta nang kanta sa ASAP, ang pangit-pangit naman ng boses niya!

“Dapat, tanggalin na sa ASAP ang babaeng ‘yan, boses-lalaki siya, wala pang ganda, ang payat-payat pa!” Isa lang sa mga mensaheng ipinadadala ng texter na sobrang manlait kay Toni Gonzaga.

Lagi-lagi ‘yun. Walang pinipiling oras ang taong ito sa pagpapadala ng mensahe, paborito talaga nitong laitin ang magaling na singer-actress-TV host.

Dahil madalas kaming abalahin ng texter, bahala na ngayon ang mga tagasuporta ni Toni Gonzaga kung anong pang-aabala naman ang puwede nilang gawin sa mahiwagang texter na ito.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING