Nabastos daw sa sariling show
Ruffa Gutierrez, nakahanap ng dahilan para magbalik-Kapamilya?!

ADVERTISING

<b>Nabastos daw sa sariling show</b><br> Ruffa Gutierrez, nakahanap ng dahilan para magbalik-Kapamilya?!

<b>Nabastos daw sa sariling show</b><br> Ruffa Gutierrez, nakahanap ng dahilan para magbalik-Kapamilya?!

NAKABANTAY NGAYON ang buong Pilipinas sa kalagayan ngayon ni Dolphy na nasa Makati Medical Center. Hindi pa man, nagluluksa na ang industriya ng pelikulang Pilipino sa nalalapit na pagpanaw ng Comedy King. Wala na kasing lunas ang kanyang karamdaman at saka dahil na rin sa katandaan. Tanging hiling nito, igawad sa kanya ang National Artist award habang buhay pa siya.

Kung hihimay-himayin natin ang naging takbo ng showbiz career ni Dolphy, masasabi nating deserving na siyang mapasa-kamay ang nasabing prestigious award. Pero hanggang ngayon, deadma lang ang bumubuo ng National Artist at Cultural Center of the Philippines sa naging pahayag ni Pidol.

Sa naging kalagayan ni Dolphy, marami ang naaawa kay Zsa Zsa Padilla. Tuloy, naging sentro ng kuwentuhan ang kalagayan ng magaling na singer. Kung sakaling pumanaw na nga ang Comedy King, wala itong maiiwang pamana sa kanya. Tanging anak lang nila ni Zsa Zsa at adopted daughter ang mabibiyayaan. Hindi pumayag ang mga anak ng magaling na comedian na makakuha kahit barya-barya lang ang singer-actress. Hanggang ngayon daw, hindi pa rin ito tanggap ng mga anak ng Comedy King.

ADVERTISING

Alam kaya ng mga ito na halos lahat ng gastusin sa ospital, gamot, expenses sa bahay at pangangailangang personal ni Dolphy ay nanggagaling sa bulsa ni Zsa Zsa. Pero hindi mo ito kinaringgan ng pagdaing sa kapwa dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawa kahit hindi sila kasal. Buong buhay niya, ibinigay sa kanyang minamahal na si Dolphy.

 

HABANG NAKA-SENTRO ang Masang Pinoy sa takbo ng kundisyon ngayon ni Dolphy. Agaw-eksena naman si Ruffa Gutierrez sa Paparazzi Showbiz Exposed sa segment na ‘Bulong ng Palad’.

Ikinabaliw ng actress ang pabulong na tanong ng mga reporters. Itanong ba naman kay Ruffa kung sino kina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Robin Padilla ang pinakamalaki ang nota? Kung sino kina Zoren Legaspi, Aga at Robin ang magaling sa kama?

Mismong si Annabelle Rama ang nagkuwento sa press kung ano ‘yung question na ikinagalit ni Ruffa. After the show, nag-tweet na ito at sinabi sa kanyang Twitter account ang sama ng loob niya sa Paparazzi.

Ni-lambast ni Ruffa ang TV5 at pinuri ang The Buzz ni Kuya Boy Abunda. Senyales na kaya ito sa muli niyang pagbabalik sa ABS-CBN? Hindi kaya binigyang-malisya lang niya ang tanong para ‘yun ang maging dahilan para magbalik-Kapamilya? May tsika kasing gusto raw bumalik ni Ruffa sa Dos kaya nadadalas si Annabelle sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa pangyayaring ito, I’m sure, mahaba-habang usapin ito between Ruffa at TV5. Isama pa natin si Annabelle na palaging on the go pagdating sa kanyang mga anak.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING