NAALIW KAMI SA kuwentong ito. ‘Yung isang TV commercial ay ang lakas ng dating, dahil sa ginawang “kakaiba” ng young actress doon

ADVERTISING

NAALIW KAMI SA kuwentong ito. ‘Yung isang TV commercial ay ang lakas ng dating, dahil sa ginawang “kakaiba” ng young actress doon. Hindi siya nakakasawang panoorin.

Alam naming hindi naman niya linya ang ginawa niya sa naturang commercial, pero ang lakas ng dating. Jackpot siya du’n, in fairness.

ADVERTISING

Pero ang nakakalokah, ‘yung naturang TVC ay dadalhin sa ibang bansa. Ang kaso, hindi nagustuhan ng kliyente ang boses ng young actress, kaya ipina-dub nila ito sa iba.

Nakarating ito sa kaalaman ng young actress. Imbes na malungkot, natawa pa raw ito, at nakapagdayalog na lang daw ito ng, “Ang mga Pinoy lang talaga ang nakaka-appreciate ng boses ko, hahaha!”

Hindi na kami magbibigay pa ng clue, dahil feeling namin, kilalang-kilala n’yo na kung sino ang aming tinutukoy. We’ll give you more time to guess.

ADVERTISING

(Ogie Diaz)

ADVERTISING