NAAAWA KAMI SA isang sikat na aktres. Until now kasi ay hindi pa siya puwedeng mag-boyfriend kahit na matagal na siyang hiwalay sa kanyang TV host boyfriend.

ADVERTISING

NAAAWA KAMI SA isang sikat na aktres. Until now kasi ay hindi pa siya puwedeng mag-boyfriend kahit na matagal na siyang hiwalay sa kanyang TV host boyfriend.

Ang dahilan? Ayaw pumayag ng tomboy na TV executive na may hawak sa kanya.

ADVERTISING

Yes, may dyowang lesbian ang aktres kaya naman li-mited na limited ang kanyang mga kilos. Hindi siya basta-basta puwedeng makipagdate.

Ang tiborsyang executive ang nagpapatakbo ng buhay ng aktres. In return ay inaalagaan naman niya ito nang todo. Walang problema sa kanyang career dahil magaganda ang ibinibigay sa kanyang project.

At para makasiguro marahil na hindi siya masasalisihan ng sinumang lalaking manliligaw sa aktres, tauhan ng tibo ang handler ng aktres. Nagsisilbing mata ang handler sa mga taong kumakausap o dumadalaw sa kanya. In short, isa siyang spy para masiguro ng lesbian exec na kanyang-kanya lang ang aktres.

ADVERTISING

Da who si aktres? Naging kontrobersiyal siya minsan nang lumipat siya sa network na kinabibilangan niya ngayon. Na-link din siya sa isang band singer.

(Alex Brosas)

ADVERTISING