VLOG WATCH: Julia Barretto, nilasing si Marco Gumabao (may nakakalokang inamin!!!)

ADVERTISING
Vlog Watch

NAKAKAALIW ang unang episode ng bagong paandar ni Julia Barretto sa kanyang vlog channel na ‘Drink & Spill‘, kung saan makikipag-inuman ang dalaga sa kanyang special guests at bawat shot ay may tanong na kaakibat. Ang masuwerteng first guest niya ay ang good friend niya na si Marco Gumabao.

Para sa ilang tao, big surprise ang revelation na close friends pala sila. Palibhasa, mas unang sumikat si Julia bilang aktres at very much identified ito sa kanyang ex-boyfriend and loveteam na si Joshua Garcia. Ngayon na pareho na sila ng talent agency ay mas may freedom na sila to do whatever they want.

ADVERTISING

Para sa maraming tao ay ‘hunk’ at nakakainlab si Marco Gumabao. Alam niyo na na some years ago ay in love pala ito kay Julia Barretto? Ang kaso, wrong timing ang kanyang pagporma dahil nursing a broken heart pa noon si Julia mula sa kanyang unnamed ex-dyowa. The good part is naging mas good friends ang dalawa at hanggang ngayon ay going strong ang kanilang friendship. Ang saya, ‘di ba? At least walang break-up na magaganap sa kanila, noh!

Sa sobrang aliw nina Marco at Julia sa video na ito ay mapapa-‘sana all’ in sosyal slang na lang ang makakanood. Kita mo how comfortable they are around each other and yes, there’s chemistry! Friendship o syota-themed project will do for them!

ADVERTISING

Panoorin sina Julia at Marco sa nakakaaliw na drinking game na ito at marami pa kaming natutunan na juicy details about these two! Sino ang gusto ninyong next guest ni Julia sa kanyang bagong paandar sa vlog? Hmmmm… what about GA? HAHAHA! GO!

ADVERTISING