MYSTICA, FAITH HEALER NA!

MYSTICA, FAITH HEALER NA!MAY KUMAKALAT SA internet at YouTube na mga video ni Mystica at hindi ito tungkol sa kanyang pagkanta kungdi sa kanyang panggagamot ng may mga sakit. Ito raw ay isang bagay na milagro at hindi maipaliwanag na pangyayari sa kanyang buhay. Sa katunayan daw, na-diagnose na may colon cancer ang dating asawa ng singer?

“’Yung ama ng anak ko, I haven’t seen him for a long time, meron pala itong karamdaman, colon cancer daw ‘yung sakit. Nagpatingin ‘yung asawa ko sa doctor, sinabi nga sa kanya na may sakit siya. Hinawakan ko lahat ng parte ng katawan niya na masakit. Ginamit ni Lord ang kamay ko para makapagpagaling,” pahayag ni Mystica.

Nagpatingin uli ang asawa para ikunsulta ang karamdaman, nawala! Nagulat si Mystica. Dahil sa bagong nadiskubre niyang kakayahan, nais daw ni Mystica na ipagpatuloy ang panggagamot ng kapwa na may sakit. Sana raw ay huwag isipin ng mga tao na ito ay isang gimik lang.

VICKI BELO, DINEPENSAHAN SI HAYDEN KHO

Pinagpiyestahan nu’ng nakaraang linggo ang palitan ng Tweets nina Sharon Cuneta at Hayden Kho. At dahil sa bagong isyu na kinasangkutan ng lalakeng nauugnay sa kanya, hindi na napigilan ni Dra. Vicki Belo na depensahan si Hayden.

Ayon sa cosmetic surgeon, “Tahimik naman si Hayden. Nag-tweet lang ‘yung tao, wala namang ibinigay na kahit anong pangalan. Alam ko namang hindi si Mega ang tinutukoy, kasi, sinabi niya sa akin kung sino talaga ang tinutukoy niya. Patungkol ito sa kontrobersyal na billboard. Siguro may nagsulsol, sinabi na siya, hindi naman totoo. Wala namang reason. Sharon and I we’re not close friends but we are acquaintances, so it would be nice naman na okey kami. Walang bad blood.”

Parazzismiz
By Maica Tidila