Myrtle Sarrosa, swak sa bagong campaign ng sanitary napkin

ADVERTISING

Myrtle Sarrosa, swak sa bagong campaign ng sanitary napkin

Myrtle Sarrosa
Myrtle Sarrosa

After ng two years contract ni Maja Salvador sa iniendorsong Sisters Sanitary Napkin, nag-decide si Ms. Aileen Go na kumuha ng kapalit ni Maja.

Kaya nga sa bagong campaign spin ng kumpanya na ‘Sisters School is Cool”, akma lang na ang brainy na si Myrtle Sarrosa ang kinuha nilang bagong celebrity endorser na kapalit ng aktres.

Kung maaalala pa, Myrtle Sarrosa was the big winner sa last PBB Teen competition na mas nakilala sa kanyang pagiging cosplayer.

Swak ang dalaga sa konsepto ng publicity spin ng Sisters lalo pa’t isang achiever si Mrtyle bukod pa na bago siya napili ng Megasoft na manufacturer nang ini-endorsong sanitary napkin, she is a broadcast communication student at the University of the Philippines in Diliman at ang scholastic track record (she’s a candidate for Cum Laude) ay akma lang sa pagiging ambassadress siya sa kampanya ng produkto.

ADVERTISING

Starting this month (August) ay naka-schedule bumisita si Myrtle sa Mindanao sa Norala High School in South Cotabato at Gingoog City Comprehensive School sa Misamis Oriental; Davao City; at sa Negros Occidental para sa kampanya to reach out to the different campuses in the Philippines para sa kanilang school-based campaign.

On the side, you can catch Myrtle this month sa kanilang “I Love My Sisters Mall Tours” with fellow Sisters endorsers; the Hotlegs sa SM Dasmariñas on August 6; SM Baguio on August 20; SM Rosales (Pangasinan) on August 21; and at Davao’s Kadayawan Festival at Gaisano Mall (Davao) on August 21.

I will write more about Mrytle at ang kanyang hindi magandang karanasan sa una niyang pag-ibig kay Bryan Llamanzares na anak ng natalong presidential candidate na si Sen. Grace Poe sa mga susunod na mga araw.

Unfair ang ginawa ni Bryan sa kanya ayon sa kuwento ng dalaga sa amin.

Abangan n’yo rito sa Pinoy Parazzi ang kuwento namin very soon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING