Myrtle Sarrosa, pinag-aagawan nina Yves Flores at Kit Thompson!

ADVERTISING

Myrtle Sarrosa, pinag-aagawan nina Yves Flores at Kit Thompson!

Myrtle Sarrosa, pinag-aagawan nina Yves Flores at Kit Thompson!

UNANG TINUTUKAN ang kuwentong pag-ibig nina Myrtle Sarrosa, Yves Flores, at Kit Thompson sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4. Sa umpisa pa lang, naging vocal na si Yves sa kanyang tunay na nararamdaman kay Myrtle na siyang itinanghal na Big Winner. Ngunit tila naging mailap ang pagkakataon para sa dalawang pusong nagkakamabutihan dahil sa mga ‘di inaasahang twists and turns sa loob ng Bahay ni Kuya. It turned out na may girlfriend pala si Yves habang may special feelings siya for Myrtle. Yves is now single.

Naging close din si Myrtle kay Kit at kahit hindi siya sigurado sa totoong feelings para sa binata ay sinigurado naman sa kanya ni Kit that he will always be there for her.

Pero gaano kaya katotoo ang balita that Yves continues to pursue Myrtle now that they are both outside the house of Big Brother? Paano na si Kit? At mukhang titindi pa ang kanilang love triangle dahil magkakasama na sila sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan. Kinumpirma ng tatlo kamakailan sa The Buzz na magkakaroon sila ng love triangle sa teleserye.

ADVERTISING

After Kit was evicted from PBB ay napasok na siya sa Kahit Puso’y Masugatan. Ngayon ay makakasama na niya sina Myrtle na gaganap bilang Katherine na isang cosplayer na may itinatagong lihim at Yves who will play Katherine’s friend.

Ngayon pa lang ay parang may namumuo nang kumpetisyon sa pagitan ng dalawang binata. Kit admitted na nakaka-text niya ang mother ni Myrtle. “’Di naman po lagi pero nagkaka-text kami minsan. Kinukumusta niya po ako.” Hindi naman siyempre patatalo si Yves na inamin din na nakaka-text niya ang ina ng dalaga. Pinanindigan din niya na hindi pa rin nagbabago ang kanyang nararamdaman para kay Myrtle.

Ano kaya ang reaksyon tungkol dito ni Myrtle na nagsabing mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang kanyang career. Kumusta na ba silang tatlo? “Friends pa rin po kami. Importante po talaga sa akin ang opportunities, (the) same with Kit at Yves, iyon din ang important sa kanila.”

Diretsang tinanong ni Toni (Gonzaga) si Myrtle during the interview kung sino ba kina Kit at Yves ang mas matimbang sa kanya. “Honestly, pareho po silang close sa akin in different ways,” ang safe niyang sagot.

Abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari sa kuwentong pag-ibig ng tatlo. Sino kaya ang magwawagi at sino kaya ang pusong masusugatan? O baka naman manatili na lang silang magkakaibigan para wala na lang masaktan? At sino kaya sa dalawang loveteams ang mas papatok sa manonood?

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING