‘My Amanda’ nina Piolo Pascal at Alessandra de Rossi mapapanood na sa Netflix ngayong July 15

DIREKTOR NA ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi.

Pagkatapos magbida sa mainstream/indie films at pagsusulat ng iskript at concept ng mga pelikula tulad ng ‘12’ at ‘Through Night and Day’, sa wakas ay mapapanood na rin natin ang directorial debut ni Alex (palayaw ni Alessandra). Ang bongga pa rito ay mismong si Piolo Pascual ang kanyang leading man!

‘My Amanda’ nina Piolo Pascal at Alessandra de Rossi mapapanood na sa Netflix ngayong July 15
Piolo Pascual and Alessandra de Rossi in ‘My Amanda’

Yes, si Alex ang bida, writer, co-producer at director ng My Amanda (dating ‘Fuffy and Fream’). Dalawang taon na rin napag-uusapan ang dream project na ito ni Alex kaya naman natutuwa ang mga fans nito na sa wakas ay mapapanood na nila ito sa Netflix this coming July 15.

Ang ‘My Amanda’ ay kuwento ng two longtime best friends na may mga pinagdaanan sa kani-kanyang relationships. Siguro, ang peg nito ay ang mga pelikulang ‘Kung Ako na Lang Sana’ nina Richard Gomez at Sharon Cuneta o ang ‘Labs Kita, Okay ka Lang?’ nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Ayon kay Piolo Pascual, na-impress ito sa pagiging direktor ng kanyang leading lady. Na-exceed daw ang kanyang expectations and they had fun while doing the project.

“More than bad trip, laugh trip, the food trip, everything. All of the trip you can think of, it’s a fun ride!” sambit ni Piolo.

Ayon kay Alessandra, ang ‘My Amanda’ ang regalo niya para sa aktor. Sa mga hindi nakakaalam, si Piolo Pascual ang isa sa mga producers ng hit movie nina Alex at Empoy na ‘Kita Kita’, na naging hudyat para mas makilala lalo sa mainstream ang pangalan ng dalawa.

Ang sweet ng friendship nina Piolo at Alex, ‘di ba? Suportahan natin ang directorial debut ni Alessandra at pagbabalik ni Papa P sa paggawa ng love stories simula ngayong July 15 sa Netflix! Advance pa-birthday gift na rin natin kay Alex ang panonood nito! Fighting!

Previous articleKPOP Album Review: MUST by 2PM
Next articleVLOG WATCH: Sophie Albert balik-alindog post-pregnancy workout routine with Vin Abrenica!