Music icon April Boy Regino pumanaw sa edad 59

Leo Bukas

PUMANAW NA nitong Linggo (Nov.29) ng umaga ang singer-composer na si April Boy Regino sa edad na 51.

Kinumpirma ito ng kapatid niyang si Vingo Regino sa pamamagitan ng isang Facebook page.

“Nakakalungkot naman ang araw na ito…  wala na ang kuya april boy ko,” ani Vingo.

Music icon April Boy Regino pumanaw sa edad 59

Walang binanggit na cause of death si Vingo sa kanyang post. Pero hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal ng may sakit si April Boy. He was diagnosed with prostate cancer in 2011 and diabetes in 2015 na nagresulta sa kanyang pagkabulag. May iniinda ring sakit sa puso ang singer.

Si April Boy ay tinaguriang Jukebox King of the 90s. Tatak niya ang naghahagis ng sombrero sa audience tuwing nagpe-perform.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ni April Boy ay ang Paano Ang Puso Ko, Umiiyak Ang Puso, Esperanza, Di Ko Kayang Tanggapin at marami pang iba.