MULING NAKUNAN! Kyla nagka-miscarriage sa ikatlong pagkakataon

Leo Bukas

Sa ikatlong pagkakataon ay muling nagka-miscarriage ang R&B singer na si Kyla na asawa ng basketball player na Rich Alvarez. Ito na  ang pangatlong beses na nakunan si Kyla.

Ang malungkot na balitang ito ay ibinahagi ni Kyla sa kanyang followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account nitong Biyernes, July 16.

MULING NAKUNAN! Kyla nagka-miscarriage sa ikatlong pagkakataon
Kyla Alvarez with son Toby

 “My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined,” lahad ni Kyla sa kanyang IG post na may kasamang black and white photo nila ni Toby, ang panganay na anak nila ng basketbolista niyang mister na si Rich Alvarez.

Tinawag naman ni Kyla ang kanyang unborn baby na “Millie” at sinabi ditong ipadala ang kanilang pagmamahal sa dalawa pa nitong kapatid na hindi rin nagkaroon ng chance na maipanganak.

“Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie,” malungkot niyang post.

Dumagsa naman ang pakikiramay at pagmamahal sa singer mula sa kanyang fans and celebrity friends.

Taong 2013 nang isilang ni Kyla ang panganay nila ni Rich na si Toby Elsiah. 2018 naman nang magkasunod na nagka-miscarriage si Kyla na naulit na naman ngayong taong 2021.