Mula nang sumikat, ‘di na nakakakilala ng kaibigan si bagets actress! – Tita Swarding

Mula nang sumikat, ‘di na nakakakilala ng kaibigan si bagets actress! - Tita SwardingMula nang sumikat, ‘di na nakakakilala ng kaibigan si bagets actress! - Tita SwardingOLA CHIKKA! TILA hindi na kapani-paniwala ang mga binitiwang pahayag ng kampo ni Krista Ranillo hinggil sa isyung kinasasangkutan ng dalaga.

Marami ang naghintay sa kanyang pahayag, lalo na ang mga movie press na mula nang pumutok ang isyu hanggang ngayon ay nakabantay pa rin.

Ayon sa pahayag ng manager ni Krista na si Arnold Vegafria, pagdating na pagdating ng alaga nito galing Amerika ay maglalabas ito ng pahayag at magpapatawag ng presscon para maliwanagan ang isyung kinasasangkutan ng alaga.

Naku, ha?! Namuti lang ang mga mata ng mga movie press na naghintay, at hanggang ngayonay puro kasinungalingan lang ang lumalabas.

Ginaya nga raw ang istilo ni Maricar Reyes na hindi nagsalita sa isyu sa kanila ni Hayden Kho. Hanggang sa kinalimutan na nga lang ito ng mga tao.

Pero iba ang situwasyon ni Krista ngayon. Sa mata kasi ng mga tao, marami ang naniniwala na may namagitan sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at sa anak ni Mat Ranillo III.

Naku, ha?! Tigilan ako! Na ang lola pa nga raw ni Krista na si Gloria Sevilla ang nag-request na bigyan ng matinding security ang apo pagdating sa airport. Naku, sino ba si Gloria Sevilla para makapag-request nang ganu’n kabongga na bigyan ng matinding security ang apo? Except kung ang Pambansang Kamao ang nag-request, huh!

‘Yun nga kasi ang bulung-bulungan na si Manny ang nag-request ng security para sa dalaga. Kaya tigilan na ninyo ako sa mga kasinungalingan n’yo, ha?!

ITO PA ANG isa sa mga hindi maintindhihan ng mga tao. Nakakawindang ulirat, huh! Sa mga naglabasan at may nagpapatunay pa hinggil sa tangkang pagpapakamatay umano ng celebrity doctor na si Hayden Kho, Jr., na sinopla nga ng abogado nito na wala raw katotohanan ang mga naglalabasang kuwento, huh!

Magsitigil kayo, ha?! Hindi lang isa o dalawa ang nakakita sa guwapong ex-doctor na napadpad sa pinyahan ng Cavite, kundi marami ang nakakita rito na balak nitong kitilin ang sariling buhay.

May binitiwan pa umanong salita ang ex-doctor na, “Katrina, bakit mo ako ginaganito? Ano ang nagawa kong kasalanan?” ‘Yan ang mga salitang sinabi ni Hayden na pinaninindigan din ng mga taong nanakita kay Hayden.

Nu’ng nabalitaan ko sa araw na ‘yun ang kinasasangkutan isyu ng guwapong ex-doctor, tila hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman. Nandu’n ‘yung awa at naiintindihan ko ang kalagayan nito. Pero sa mga pinabulaan ng kampo nito na hindi totoong nagtangkang magpakamatay ito, tila wala nang maniniwala rito.

Bakit hindi lang nito aminin sa lahat na nagawa nga niyang kitilin ang sariling buhay kamakailan lang. At I’m sure, maiintindihan siya ng karamihan.

Kelerke kayo! ‘Yun na!

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo ngayon? Naku, mga kafatid, maloloka kayo!

Dahil noong hindi pa nabibigyan ng break itong si bagets actress ng malaking istasyon ay tila napakabait nito at halos tumatawag ito sa kanyang mga kaibigan sa probinsiya at sa mga kamag-anak.

Ang nakakaloka lang, nang mabigayn na ng atensiyon ng malaking network, tila kinalimutan na ang lahat pati ang mga kaibigan nito ay tila hindi na kilala, at hindi na rin kinakausap ang mga kamag-anak.

Parati raw sinasabi ng bagets actress na ito na busy siya, huh! At tila bigla na lang daw itong nagmahal ng TF (as talent fee). Nakakaloka, huh!

‘Eto pa, namimili na umano ng proyekto ang bagets actress na ito. Nagbago na nga raw ang ihip ng hangin ngayon sa bagets actress.

Naku, ‘day! ‘Wag munang palobohin ang ulo moi, at tutusukin ko ‘yan! Ha-ha-ha! Nakakaloka, ha?! Ayaw na ayaw ng mga bisaya ng ganyan. Ha-ha-ha! Nanalo siya sa isang reality contest. Hmm… ‘yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding