Xian Lim, ‘di naman talaga sincere sa panliligaw kay Kim Chiu!

MULA NANG sinulat namin dito ‘yung hindi namin pagpabor sa ginawang pag-post ni Xian Lim sa kanyang instagram account ng birthday card niya kay Kim Chiu ay nagagalit na sa amin ang iba niyang tagahanga.

Parang isine-share lamang daw ng kanilang idol na si Xian ang labis na katuwaan nito sa card na ibinigay kay Kim.

Pero nagpapasalamat pa rin kami, dahil bukas ang isip ng iba sa pagsang-ayon sa amin na may punto kami. Hindi talaga namin maarok ‘yung birthday card mo sa isang tao na dapat ay “personal” ang dating, isasapubliko mo?

So ang ibig sabihin, bago pa makarating kay Kim ang card, piniktyuran na ito ni Xian para maipabasa ang nilalamang mensahe sa card sa kanilang mga tagahanga, gano’n ba ‘yon?

Nasaan nga naman ang sincerity, ‘di ba?

Anyway, gusto naming mag-thank you sa mga nakakaunawa sa aming punto at kami rin naman, gusto naming unawain naman ang punto ng ilang tagahanga.

At sa ibang tagahanga ng KimXi (Kim-Xian) na lumampas sa guhit at nilait pa kami, pasensiya na kung na-block namin kayo sa twitter. Kesa naman lalo tayong hindi magkaintindihan, ‘di ba?

BLIND ITEM: Nasa rehab nga ba ngayon somewhere in Pampanga ang isang young character actor?

Nalulong ba siya sa alak o sa droga?

‘Eto nga ba ‘yung dahilan kumba’t pinili na lang ng isang aktres na makipaghiwalay rito kahit sila’y may anak na?

Isa sa mga araw na ‘to, lalabas din ang tungkol dito. At kapag magaling na magaling na ang aktor, I’m sure, ibabahagi naman niya sa mga tao ang kanyang pinagdaanan at pagbabago tulad noon ni Jiro Manio.

ISA PANG blind item: Meron kaming kilalang isang TV host na nagpapaganda pa ng katawan, pero ang tsika sa amin, ito raw ay sumi-singhot ng cocaine hanggang ngayon.

‘Pag nagpupunta nga raw ito ng Hong Kong, meron siyang supplier na isa ring da-ting artista at sa isang bar sila sa Hong Kong sumisinghot, kung saan hindi sila pansin ng ibang customers doon.

Hay, nako… ‘pag nalaman ‘yan ng kanyang kamag-anak, baka talak ang abot niya. Kaya panatilihin niyang isang sikreto ito.

NAITSIKA NAMIN kay Donya Margaret, este, Tita Helen Gamboa na nabasa namin ang isang interbyu ng pamangkin niyang si Sharon Cuneta na nagri-reach out ito para makausap siya thru her daughter Ciara Sotto.

Habang nagpapaypay si Tita Helen, ngumiti na lang ito sa amin at parang ayaw niyang mag-comment kung true or not.

Anyway, blood is thicker than water, kaya I’m sure, balang-araw, magkakapatawaran din ang magtiyahin na ‘yan.

Mahirap kampihan ang isa sa kanila, lalo pa’t pareho naming mahal si Tita Helen at ang kumare naming Sharon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleNeri Naig, inaming 6 months na sila ni Chito Miranda!
Next articleSey ni Sharon Cuneta: Tatayo ang show ko, kahit ‘di mag-guest si Piolo Pascual!

No posts to display