Mukhang pinabayaan ang sarili: Piolo Pascual, may malaking problema?

ADVERTISING

Mukhang pinabayaan ang sarili: Piolo Pascual, may malaking problema?

Mukhang pinabayaan ang sarili: Piolo Pascual, may malaking problema?
Piolo Pascual

MAY RASON kung bakit ang hitsura ni Piolo Pascual these days ay para bang tamad mag-ahit o di kaya’y problemado sa buhay.

 
 Kaya pala ganun ang look ni  Papa Pi ay dahil ‘yun ang kailangan na look sa bagong pelikula niya para sa pamosong direktor na si Lav Diaz.

 

Wala pang ibang detalye na ibinagay bukod sa kailangan niya ‘yun sa character na gagampanan niya sa bagong pelikula.

 
Kung maaalala pa; huling movie ng aktor kay Direk Lav ay ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na “Hele sa Hiwagang Hapis”,  na umani ng maraming papuri hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
 
Sa pelikulang ginagawa ni Piolo with Direk Lav ngayon ay siya yata pinagmumulan tsismis na  may something romantic and sweet na namumuo sa kanila ng co-star niya na si Shaina Magdayao, na ayaw naman ikumpirma ng dalawa ang estado ng kanilang “ special friendship” na sila lang talaga ang nagkaka-intindihan.
 
Bukod sa pelikula ng aktor with Direk Lav ay ginagawa rin ni Papa Pi ang pelikula nila ni Toni Gonzaga.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING