MTRCB, ‘di pinalampas si Kuya

ADVERTISING

MTRCB, ‘di pinalampas si Kuya

Toto-VillarealBILIB KAMI sa pagiging vanguard ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamumuno ni Chairman Toto Villareal dahil maagap sila sa kanilang trabaho.

Nang mag-react ang grupo ng mga kababaihan sa ginawang panggigipit ni Kuya of the Pinoy Big Brother (PBB) All In sa housemate na si Jayme Jalandoni (na isang nurse by profession at Christian by faith) sa task o gawain sa loob ng bahay niya na sabi ng karamihan ay “No Choice or No Option chores”, kung saan hinamon ni Kuya si Jayme na mag-pose nang nude sa isang painting session, maagap ang PCW na naghain kaagad ng reklamo ng exploitation sa sensitivity ng kababaihan ng show sa MTRCB.

Sa loob kasi, para kang neophyte ng isang fraternity or sorority na follow the order before you ask or complain na nalagay sa alanganin ang prinsipyo ng housemate na si Jayme at maging ang values at paniniwala niya bilang tao, hindi lang bilang isang babae.

Ayon kay Sen. Nancy Binay, pangalawang pagkakataon na ito para sa PBB na nag-overboard sa kanilang authority sa mga housemates. Una ay noong 2009 sa kanilang “naked fan dance” na ang suot lang ng mga housemate na nag-perform ay flesh-toned unitards na nagsa-suggest ng nudity.

ADVERTISING

Mabuti naman at nagawan kaagad ni Chairman Villareal na magkaroon ng dialogue at pagpapaliwanang mula sa panig ng PBB.

Matapos ang pag-uusap, naglabas ng kanilang official statement ang PBB management at ang kanilang dispensa sa mga na-offend sa naganap na para sa amin ay isang “no choice & no option chores” para sa isang babaeng housemate na gawin ang isang bagay na para sa kanya ay saliwa sa kanyang paniniwala.

Congratulations to Chairman Toto sa pagiging maagap ng kanyang opisina sa pagbabantay sa mga saliwa, hindi tama at akma na napapanood natin sa television at mga pelikula para sa kapakanan ng bawat Pilipino lalo pa’t ang PBB na karamihan sa televiewers ng show ay teenagers na nangangarap din na maging bahagi ng bahay ni Kuya.

Isa rin pala sa concern ko kay Chairman Toto na dapat din marahil pagtuunan ng pansin ng MTRCB ay kung sa pagka-classify ng office niya ng indie movies ay may karapatan na ang producer na ipalabas sa mga private screening ang MTRCB classified movies na tinatagurian nilang “Directors Cut” or “uncut version” na mas malala ‘di hamak ang mga eksena ng mga BJ at anal sex na hindi nasisilip ng kanyang opisina na ikinakabit or idinudugtung na lang ng mga producers kapag may “private screening” sila na hindi na isina-submit ng mga director at mga producer sa MTRCB during classification.

Sa madaling salita, two versions ang pelikulang malalaswa ang hawak ng mga producer at director na lingid sa kaalaman ng MTRCB ay naiisahan sila.

I think Chairman Toto’s office should look and check on this.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING