MTRCB Chairman Toto Villareal, nararapat na manatili sa puwesto

ADVERTISING

MTRCB Chairman Toto Villareal, nararapat na manatili sa puwesto

MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal
MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal

Wala pang announcement mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sino na ba ang napipisil para ipalit bilang chairman ng  MTRCB. Pero malakas ang bulung-bulungan na baka manatili sa kanyang puwesto bilang MTRCB Chairman si Atty. Toto Villareal, lalo na’t naging maganda naman ang pagpapatakbo nito sa nasabing sangay ng pamahalaan.

Marami nga ang umaayon at nagre-request sa pangulo na i-retain ito sa nasabing puwesto lalo na’t maganda ang performance ni Atty. Toto Villareal, kung saan marami ang pinahanga nito sa kanyang sipag at dedikasyon sa trabaho.

Sa kanyang pamumuno, nauso ang mga sensitivity seminars and meetings, lalo na kapag may mga reklamo siyang natatanggap. Wala siyang pakialam kung ito ma’y isang ma­laking network o top-rating show o isang bigwig film outfit. Basta may complain, action kaagad ang kanyang ginagawa.

Sa kabilang banda, mahal na mahal din siya ng mga taga-industriya dahil madali siyang kausap at hindi bias sa kanyang mga desisyon. Maging sa press people ay saludo sa sipag ni Chairman Toto.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING