Mr. World 1st runner-up Fernando Alvarez, gustong subukan ang local showbiz

ADVERTISING

Mr. World 1st runner-up Fernando Alvarez, gustong subukan ang local showbiz

Mr. World 2016 1st runner-up Fernando Alvarez
Mr. World 2016 1st runner-up Fernando Alvarez

Nasa bansa ngayon si Fernando Alvarez, ang reigning Mr. World 2016 1st runner-up at image model ng Psalmstre’s New Placenta for Men.
Three to six months daw ang itatagal ni Fernando sa bansa para sa gagawin niyang promotion ng nasabing beauty product , kung saan lilibutin niya ang buong Pilipinas with ‘Free Hug’ promo ng New Placenta.
Bibisita rin si Fernando sa iba’t ibang radio programs at TV shows .
Gusto rin daw subukan ni Fernando ang local showbiz, kaya naman puspusan ang pag-aaral niya ng Tagalog para makasama sa mga teleserye at pelikula.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING