Mr. Philippines Karan Singhdole, wagi sa Man of the Year 2016

ADVERTISING

Mr. Philippines Karan Singhdole, wagi sa Man of the Year 2016

Man Of The Year 2016 Karan Singhdole
Man Of The Year 2016 Karan Singhdole

Wagi ang representative ng Pilipinas sa kauna-unahang Man of the Year Pageant 2016 na ginanap sa Grand Central Hotel Pekanbaru in Indonesia.

Naiuwi nga ng 23-anyos na si Karan Singhdole,  isang old full-blooded Indian model/ hotel and restaurant management student ang titulong Man of the Year.

Tubong Sta. Rosa, Laguna si Karan na dating naging contestant at naging semi-finalist sa ‘You’re My ForeigNoy’ contest ng “Eat… Bulaga!”. Fluent siya sa limang lengguwahe – Filipino, English, Punjabi, Bengali, at Hindi.

Naging runners-up niya sina Tarek Moaykel ng Lebanon (1st runner-up), Tim Bertrams ng Netherlands (2nd runner-up), Trịnh Xuân Nhản ng Vietnam (3rd runner-up), at Meirizal Rifa’I ng Indonesia (4th runner-up).

ADVERTISING

Si Karan ang ikalawang male representative ng Pilipinas na nanalo sa isang international male pageant.

Noong 2014, nanalo ang police officer na si Neil Perez sa Mister International pageant na ginanap sa Ansan, Korea.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING