Mr. Pastillas Richard Parojinog, walang ilusyong na maging heartthrob

ADVERTISING

Mr. Pastillas Richard Parojinog, walang ilusyong na maging heartthrob

Richard Parojinog
Richard Parojinog

When Richard Parojinog won as Mr. Pastillas dahil siya ang napili ni Angelica Yap, also known as Ms. Pastillas, naisip na naming baka mag-artista rin siya.

ADVERTISING

True enough, Richard is now giving showbiz a try. May potential naman siya dahil guwapo naman siya, matangkad at higit sa lahat articulate naman.

While admitting he and Angelica went on a few dates, nothing romantic developed between them.

“But we have remained friends. Meron naman kaming communication. Nagkukumustahan naman kami, nagte-text pero hindi na masyadong frequent ngayon,” say ni Richard.

ADVERTISING

For now, ang showbiz career niya ang priority ng binata. He was almost signed up by Viva Films but it did not push through. He was  also asked to join  the popular “It’s Showtime” group Hashtags but he  politely turned it down as “hindi kasi ako marunong magsayaw”.

One thing good about Richard is that hindi siya ilusyonado.

“Mas gusto kong maging  character actor kasi wala naman akong pag-asang maging heartthrob,” say  niya when asked kung ano ang gusto niyang maging sa showbiz.

If he can’t dance, marunong namang kumanta si Richard. Napatunayan niya ito nang haranahin nila si Ms. Pastillas sa “It’s Showtime”. Naging member din siya ng band noong college days niya.

This HRM graduate is into acting workshops now. Aminado rin siyang kailangan ding hasain niya ang kanyang dila sa Pilipino. Medyo may puntong Bisaya kasi siya kapag nagta-Tagalog.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING