Mr. International Neil Perez, hanggang friendship lang sa mga gay

Mr. International Neil Perez, hanggang friendship lang sa mga gay

Niel-PerezNAKAUSAP NAMIN personally ang nanalong Mr. International 2015 sa launch ng cosmetic acupuncture ng Teceruma Spa and Salon (nasa BSA Tower 1, Mandaluyong City, likod ng Megamall), at napatunayan naming barakong-barako nga ang guwapong Pinoy na si Neil Perez.

Super happy raw ang mga kapwa niya pulis sa kanyang victory as Mr. International, bagay na magsilbi raw sanang inspirasyon na puwedeng mangarap at makuha ang pangarap na ito kung magsusumikap lamang sa buhay.

Kaliwa’t kanan na ang offers sa showbiz kay Neil, may Kapuso at may Kapamilya offers, pero tinitimbang pa ng kanyang management office ang lahat, dahil mahirap nga namang mag-commit dahil may existing contract ito sa Mr. International for one year.

Pati raw sa product endorsements ay may inquiry.

Pero kung si Neil ang tatanungin, never daw niyang iiwan ang kanyang pagiging pulis dahil ito ang first love niya. On the side daw ay puwede ang modeling, at kung sa hinaharap ay maaari rin ang acting.

Of course, dahil nasa showbiz, hindi malayo ang gay indecent proposals sa kisig Pinoy tulad niya, pero “friendship” lamang daw talaga ang maio-offer nito sa gays na “type” siya, wala nang iba pa.

Proud din si Neil at nakuha nga siyang celebrity endorser ng nasabing spa and salon na nag-offer ng cosmetic acupuncture, na kahit lalaki man o babae ay pwedeng magpaganda/ magpaguwapo sa painless procedure na ito.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro