MOVING ON: Jake Cuenca, lumipat na sa bagong tirahan

MUKHANG unti-unti nang nagmu-move on ang Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca mula sa breakup nila ng beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa.

Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Jake ang kanyang bagong tahanan at tila ito ay nagpapahiwatig ng new beginnings para sa aktor.

MOVING ON: Jake Cuenca, lumipat na sa bagong tirahan
Jake Cuenc8

“May this new home be blessed with laughter, hope, dreams, goals, creativity and expression. Here’s to new beginnings,” sambit nito sa caption.

Matatandaan na noong Abril ay si Jake mismo ang nagkumpirma na totoo ang usap-usapan na hiwalay na sila ni Kylie after three years of being together. Nagkakilala at nagkadebelopan ang dalawa habang ginagawa nila ang afternoon series na ‘Precious Hearts Romances: Los Bastardos’. Nang sila ay umamin ay naging vocal sila sa kanilang relasyon at madalas nilang i-share sa social media ang kanilang hot and sweet photos na mapapa-sana all na lang ang kanilang followers.

“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways,” pagbabalik-tanaw ni Jake noong Abril.

MOVING ON: Jake Cuenca, lumipat na sa bagong tirahan
Kylie Verzosa and Jake Cuenca

Inamin naman ni Kylie Verzosa kamakailan sa vlog ni Vice Ganda na namimiss pa rin niya ang kanyang ex-boyfriend paminsan-minsan.

“Akala ko siya na. Akala ko na hindi na ako magkakaroon ng heartbreak. Akala ko siya na. Saka nagmahalan kami. We loved each other,” kuwento pa ni Kylie.

“Sobrang happy kami sa relationship. At sobrang grateful ako sa relationship, sobra. Hindi ako in shock; pina-process ko po talaga. Process siya, hindi siya biglaan.”

Nawa’y mas maging masaya ngayon sina Jake at Kylie at unahin muna nila ang kani-kanilang sarili bago umibig muli…. hugot yarn?!

Previous articleMichelle Madrigal, aminadong nakararamdam ng kalungkutan sa pagiging single mom
Next article‘FOUL’: Barbie Imperial, umalma sa kuwento ni Diego Loyzaga