MOVING ON FROM YG: Sandara Park purirma ng kontrata sa ABYSS

PAGKATAPOS ng ilang buwan ng paghihintay ng kanyang mga loyal fans ay nakapirma na rin sa bagong entertainment agency ang K-pop Superstar at Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park o kilala rin bilang DARA ng 2NE1.

MOVING ON FROM YG: Sandara Park purirma ng kontrata sa ABYSS
Sandara Park

Sa ABYSS Company na ngayon nakapirma si Sandara, kung saan kasama na niya ngayon ang kapwa K-pop stars na sina Sunmi at BamBam ng GOT7.

Tweet mismo ng ABYSS Company, “Welcome, Sandara Park,” na may kalakip na black and white photos ng dalaga.

Mula sa report ng Soompi ay nagpahayag ng excitement ang bagong agency ni Sandara.
Ayon sa statement, “ABYSS Company is happy to be part of the new beginning of Sandara Park, who has been loved both domestically and abroad for a long time.”

“We will of course support her to the fullest so she can show the public her new sides and charms that she has yet to showcase, and she will carry out various activities for global fans as well,”

MOVING ON FROM YG: Sandara Park purirma ng kontrata sa ABYSS
Sandara Park as 2NE1 member Dara (left) and Sandara Park in 2021

Ikinabigla ng mga loyal fans ng 2NE1 ang pag-alis ni Sandara sa YG Entertainment, na naging tahanan niya sa loob ng 17 years. Siya ang huling 2NE1 member na kumalas sa ahensya.

Bilang marami pa rin ang nagmamahal sa nag-iisang Pambansang Krung-Krung, wish namin ay maisipan ni Sandara na gumawa ng isang serye na ang setting ay Pilipinas. Why not, ‘diba?