MOVING ON: Devon Seron, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Kiko Estrada

LAST MONTH ay nabulabog ang mga tsismosa sa cryptic post ng Paano ang Pangako? star na si Devon Seron na pakiramdam ng mga followers ay isang paramdam na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Kiko Estrada. At dahil sa mga comments ng ilang taong malapit sa dalawa ay nagkaroon ng suspetsa na may third party involved sa usapin at ito raw ay ang co-star ni Kiko sa ‘Bagong Umaga’ na si Heaven Peralejo.

MOVING ON: Devon Seron, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Kiko Estrada
Kiko Estrada and Devon Seron

Tila walang kawala si Devon Seron sa veteran entertainment writer na si Allan Diones nang magkaroon ito ng online interview sa cast, producer at director ng programa ng TV5.

Halatang hesitant ang dalaga, pero dahil na rin siguro sa ito’y naka-livestream ay nag-give in na rin si Devon at binigay na ang kanyang pahayag sa kinahinatnan ng love story nila ni Kiko.

“I’m single. Totoo naman po. But we’re on good… in good terms naman kami, ok naman kami. Nakapag-usap naman kami, and we’re trying to move on and sana makapagheal peacefully” mahinahon na pagkumpirma ni Devon. Hindi kami sure kung aware ang mga co-stars na present sa livestream, pero tila suportado nila ang dalaga.

Nag usisain pa kung paano naghi-heal o nagmu-move on ang dalaga sa kanyang failed relationship with Kiko, ito ang kanyang sagot.

“For me kasi, I realized na mas marami pang bagay na mas dapat pagtuonan ng atensyon and ngayon gusto ko na lang magfocus sa mga blessings na dumarating sa akin.

And of course, ito ring Paano ang Kahapon? kasi umabot kami ng Book 3 and we’re very happy sa lahat ng supporters namin.” positive na sagot ni Devon.

May tsansa pa ba na magkabalikan pa ang DevKi?

MOVING ON: Devon Seron, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Kiko Estrada
Devon Seron and Kiko Estrada

“Ngayon kasi we don’t want to force things between us. Mas mabuti na yung to give time sa sarili at sa mahabang panahon din na hindi ko naaalagaan ang sarili ko.. so I’m happy na nagkaroon na ako ng time with my family and my friends and.. yeah” halatang nahihiya at may awkwardness na sagot ni Devon.

Nang itanong muli ang natsitsismis na ‘third party’ diumano, ito lang ang matipid niyang sagot.

“Ayoko na po magcomment about dyan. I just want to stay positive sa lahat ng blessings. We’re trying to… teka napressure ako! But I’m happy kung nasaan man ako ngayon.”