Move over Isabel Oli and Marie Digby: Sarah Geronimo is the real crush of James Yap!

ADVERTISING

Move over Isabel Oli and Marie Digby: Sarah Geronimo is the real crush of James Yap!HINDI ANG AKTRES na si Isabel Oli ang gusto ng sikat na basketball player ng B-Meg Llamados na si James Yap, kundi ang singer-actress na si Sarah Geronimo. May nakapagbulong sa amin na paborito ni James si Sarah noon pa man, lalo na ang mga katangian ng singer. Sinabi ng nag-tsika sa amin hinggil sa basketbolista, pati ang mga movie ni Sarah ay wala itong pinalalagpas, lalo na’t kapag may oras siyang panoorin ito.

ADVERTISING

Actually noong bata pa si James, high school pa lang raw siya ay naging tagahanga rin siya ni Kris Aquino, lahat nga ng movie nito ay pinapanood ng player. Laking tuwa niya noon nang magkakilala sila nang personal ni Kristeta thru sa manager nito sa endorser, walang iba kundi ang anak ni Mother Lily na si Dondon Monterverde, na  tumatayong manager din ni James Yap.

Kung sinu-sino ang nili-link kay Yap na mga babae, nandiyan nga si Isabel na walang katotohanan, isang modelo, at ang foreign singer na si Marie Digby. Natatawa na lang ang player ng Llamados sa mga isyung ito. Wala na raw maintriga sa kanya, kaya kung sinu-sino ang pina-partner sa kanya. Malamang kapag lumabas itong kay Sarah siguradong puputaktihin ng interview ang singer-actress.

Wala muna raw babae sa buhay ni James Yap. Nakatuon ang kanyang isip sa kanyang team na kinakailangang magkaroon ng magandang kalagayan ang kanilang koponan. Medyo problemado ang kanilang coach na si Jeorge Gallent kasi hindi mahusay ang import nilang si Stefhon Hannah. Tila isang panaginip ang nangyari sa Llamados sa pagkuha sa kanilang Kano, sa simula lang siya mahusay. Pero sa actual game, biglang naglahong parang bula ang gilas at husay sa paglalaro.

ADVERTISING

“Kailangang ang local ang mag-step-up para manalo kami nang manalo,” ani niya.

Medyo nangangapa rin sa dilim ang mga manlalaro ng B-Meg sa kadahilanang apat na manlalaro ng team lamang ang mga live contract and the rest ay pawang expiring na. Ang apat na may natitira pang kontrata ay sina James, Peter Jun Simon, Rafi Reavis at Roger Yap.

Samantala, kung may katotohanan na crush ni James Yap si Sarah Geronimo, walang problema, ‘di ba? Kasi binata ang player at dalaga naman si Ms. Geronimo.

 

EXCITED NAMAN SI Marc Pingris sa pangalawang anak na coming soon. Yes, 6 months nang buntis si Danica Sotto-Pingris. At ipinagmamalaki ng player na babae ang kanilang second baby.

“Naka-kota na ako,” natatawa niyang sabi sa amin. Puwedeng-pwede nang masundan ang eldest son ni Pingris na si Jean Michell, 3 years old na ito.

About his contract na expired na ngayong July 2011, ipinangako naman ni PBA Chairman Rene Pardo na hindi nila bibitiwan si Pingris. Katunayan, ngayong linggong ito ay pinag-aaralan na ni Pingris at ng manager niyang si Mr. Ed Ponceja ang kontrata na hinain sa kanila ng management. Tsika namin, two years contract ang ibinibigay na kontrata kay Marc. Si Pingris ang siyang nahirang na MVP sa katatapos na All-Star Games para sa North and South Team na ginawa sa Boracay. At siya rin ang nanguna para bigyan ng kasiyahan ang manonood na naging choreographer bago nagsimula ang laro sa Boracay.

 

BLIND ITEM: SINO kaya itong player mula sa sikat na team ang dala-dalawa ang syuting. Kapag nalaman diumano ito ng kanyang mga tsika babes, siguradong bi-breakin siya ng mga girlash. Ang siyang GF ni player ay nasa isang entertainment news, habang ang isa naman ay modelo nga ba?

Minsan sabay raw na pinanood ang basketbolista ng kanyang mga dyowa. Ang isang girlash ay nasa likod ng bench ng player, habang ‘yung isa naman ay nasa harap ng bench which is magkaharapan ang dalawa sa panonood sa kanilang BF na basketball player.

Sa kasalukuyan, hindi pa nabubuking ang mama. Hay, naku! Wish ko lang, mabuking na sana ang basketbolista nang matauhan ito. Namamangka sa dalawang ilog, ‘di naman kaguwapuhan…

Sports Buzz

ADVERTISING