Move over, Justin Bieber: Bagong album ni James Reid, pang-international!

ADVERTISING
Move over, Justin Bieber: Bagong album ni James Reid, pang-international!
James Reid

KUNG ANG GIRLFRIEND niya na si Nadine Lustre ay laging trending ngayon sa social media dahil sa pagtweet at pagbitaw ng controversial statements, si James Reid naman ay tahimik at cool lang.

Sa katunayan nga, productive ang gwapong singer/actor dahil ngayong buwan iri-release ang kanyang bagong album na ‘Palm Dreams’.

A few weeks ago ay nilabas na nila ang music video ng carrier single entitled “Cool Down”, kung saan ibang babae ang kasama niya. Sa ending naman ay si Nadine Lustre pa rin ang kanyang kapiling.

Ito raw ang first of three music videos na connected ang istorya ayon sa mga JaDine fans.

Napakinggan namin ang album preview ng Palm Dreams at nakakabilib naman talaga ang quality ng mga kanta. Pwede nang pantapat kay Justin Bieber si James Reid. Hindi ito bluff, huh! Parang gusto namin mag-roaddtrip at malakas maka-wanderlust mga bes!

ADVERTISING

Maganda kung magkaroon ng international promotions for the album na hindi lang Pinoy audience ang tina-target. Malaki ang potential na si James Reid ang maging kauna-unahang male Pinoy popstar na magdo-dominate ng music world. Kung ang KPOP nga ay nakakalusot sa panlasa ng mga westerners, I’m sure na bet din ng mga ito ang sound ni James.

Kung kami kay James, ipagpatuloy lang niya ang pag-concentrate sa music at sa trabaho. Be productive and with less talk, nagiging less destructive ka pa. ‘Diba?!

ADVERTISING