Mother Lily, super happy sa results ng ‘Woke Up Like This’!

ADVERTISING

Mother Lily, super happy sa results ng 'Woke Up Like This'!

Mother Lily, super happy sa results ng 'Woke Up Like This'!
Mother Lily Monteverde

HAPPY ANG MOOD last night sa Victory Party nina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde na ibinigay nila sa mga cast at press people na malaki ang naitulong para sa promotion ng pelikula nilang “Woke Up Like This” na pinagbidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

 
Good vibes lang. Walang bad trip vibes habang sina Mother at Roselle ay nag-table to table hopping na kinukumusta ang mga inimbitahan nila sa masayang piging na inihanda nila sa mga imbitado.
 
Sa katunayan, very happy si Mother na lumalapit sa lahat para istimahin.
 
Sa table namin ng nagbabalik showbiz na entertainment writer na almost 10 years nagtrabaho sa Sweden na si Rico Moranda (kababayan ko siya); lumapit si Mother sa kinauupuan namin at tinapik ako at ang sabi: “Selfie tayo.” Happy ang nanay of all nanays ng showbiz.
 
Complete ang cast ng movie na nakipag-enjoy sa treat nina Mother at Roselle.
 
Dumating si Vhong na ang sabi sa amin, hindi niya ini-expect na maghi-hit ang pelikula nila ni Lovi making a gross sales na 60 Million sa first week and counting.
 
Ang leading lady niya na si Lovi, absent. Hindi nakadalo sa Victory Party dahil nasa Paris siya na dadalo naman sa kasal  nina Vicki Belo at Hayden Kho bukas pero may video message ang dalaga na ipinakita sa mga imbitado.
 
Mother Lily, super happy sa results ng 'Woke Up Like This'!
Mother Lily and Roselle Monteverde with Woke Up Like This cast members and director
 
Present last night sa V Party na ginawa sa District 8 in Greenhills na gastro-bar owned by Vice Ganda, Daniel Padilla, James Yap together with other basketball players na kaibigan ni James ang mga girls sa movie like Cora Waddell, Alynna Asistio at Dionne Monsanto.
 
Humabol sa dinner party sina Bayani Agbayani, Mitoy Yonting, Raikko Mateo at si Direk Joel Ferrer ay haping-happy sa result ng first mainstream movie niya.
 
Mother Lily, super happy sa results ng 'Woke Up Like This'!
Mother Lily with Direk Chito Roño, San Juan Vice Mayor Francis Zamora and his daughter
Hindi ko napansin kung andun si Tsong Joey Marquez last night. Ang presence nina Vice Ganda, Billy Crawford at iba pang mg artista ng noontime show ni Vhong na ”It’s Showtime” and basketball players like Arwin Santos at LA Tenorio ay malaking bentahe din ng pelikula.
 
Sa totoo lang, isa lang ang WULT sa mga pelikula ng Regal Films for 2017.
 
Next in line na ipapalabas next month (October) ay ang horror movie na “The Debutantes” na isang all-female horror movie starring Sue Ramirez.
           

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING