Mother Lily, nakaw-eksena sa presscon ng ‘Woke Up Like This’!

ADVERTISING

Mother Lily, nakaw-eksena sa presscon ng 'Woke Up Like This'!

Mother Lily, nakaw-eksena sa presscon ng 'Woke Up Like This'!
Mother Lily Monteverde in disguise at Woke Up Like This’ presscon

HINDI LANG sa cast ng Woke Up Like This na binubuo nina Vhong Navarro, Lovi Poe, Dionne Monsanto, Yana Asistio at Cora Waddel napunta ang atensyon ng entertainment press during the presscon of Regal Films’ latest movie.

ADVERTISING

Umeksena din kasi sa presscon ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. Naka-disguise siyang sumayaw with matching back-up dancers ng Despacito. Palakpakan naman ang press lalo na nang sinabayan si Mother Lily ng cast.

Ayon kay Mother Lily, idea ng anak niyang si Roselle Monteverde ang magsayaw siya sa presscon. Noong una nga raw ay ayaw niya, pero napilitan na rin siyang gawin ito.

Ginawa raw niya ang pagsayaw para makatulong sa promo ng Woke Up Like This. In fairness, effective naman, huh!

ADVERTISING

Sa movie kasi, lalaki na biglang naging babae ang role ni Vhong at si Lovi naman ay babae na biglang naging lalaki nang magising ito.

Kung paano nila iaarte ang opposite sex, yan ang dapat abangan ng moviegoers sa August 23. Ang Woke Up Like This ay sa direksyon ni Joel Ferrer.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING