Mother Lily Monteverde, walang takot mamuhunan kay Kiray Celis

ADVERTISING

Mother Lily Monteverde, walang takot mamuhunan kay Kiray Celis

Mother Lily Monteverde, Enchong Dee & Kiray Celis
Mother Lily Monteverde, Enchong Dee & Kiray Celis

Happy si Mother Lily sa naging respond ng mga nanood last Friday evening sa premiere showing ng pelikulang “I Love You to Death”.

Laught trip ang mga tao. Sa katunayan, late na kaming nakarating from a previous commitment, pagdating namin sa Cinema 7 ng SM Megamall, ang mga tao, nakasalampak na sa sahig at ang daming tao.

Umaalingawngaw ang tawanan. Lalo na kapag eksenan na ni Kiray na may natural na istilo sa pagpapatawa.

Malaki ang tiwala ni Mother Lily sa pelikula niyang “I Love You to Death” dahil nasapol nito ang gusto niyang katatawanan sa tambalan nina Kiray Celis at Enchong Dee.

ADVERTISING

In short, achieve na achieve ng pelikula na magpatawa sa manonood na siyang main concern ng Regal Films producer.

“Gusto ko namang na ma-enoy nila ang movie,” sabi ni Mother Lily.

“Malakas ang gut feel ko kay Kiray. Magaling siya,” pahayag niya sa amin after the preem that evening.

“Magaling siyang komedyante. Hindi ako natatakot na mag-invest sa kanya,” panigurado niya.

Sa Wednesday, July 6, na ang showing ng pangalawang pelikula ni Kiray kung saan siya ang lead. ‘Yong una ay ‘yong sa kanila ni Derek Ramsay na tunay naman talagang hagalpakan ng tawanan sa loob ng sinehan nang mapanood namin noon sa regular screening ng pelikula.

Ngayon, swak na swak kay Kiray ang karakter niya sa pelikula nila ni Enchong. P’wede na bang sabihin na siya na ang “Reyna ng Komedya”?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING