Mother Lily Monteverde, walang ibang birthday wish, kundi peace of mind

Mother Lily Monteverde, walang ibang birthday wish, kundi peace of mind

Lily-MonteverdePEACE OF mind ang sinabi ni Mother Lily Monteverde na birthday wish niya ngayong she’s is already 76 years old. Pero hindi na nag-elaborate pa si Mother Lily about her wish nang tanungin namin siya sa engrandeng birthday celebration niya last Wednesday.

Looking good and gorgeous si Mother Lily sa suot niyang white dress at enjoy na enjoy sa pagpapa-picture with her guests. Dumating sa party sina Sec. Mar Roxas with wife Korina Sanchez, Mayor Herbert Bautista, Kuya Germs, Carla Abellana, Dan Fernandez, mga bagong Regal Babies, at marami pang iba.

Nando’n din si Sen. Antonio Trillanes na isa sa sinuportahan ni Mother Lily n’ung tumakbo ito pagka-senador. Hinihintay pa namin ang ibang political figure na naging close sa Regal produ, pero hanggang nu’ng umalis kami, hindi pa namin nakikita si Sen. Grace Poe, Sen. Franklin Drilon, Francis Pangilinan, at iba pa.

May mga nagbubulungan sa table naming at tinatanong kung si Mar na raw ba ang susuportahan ni Mother Lily. Wala namang direktang makapagsabi nito.

Pero para sa amin, action speaks louder than words. Mother Lily was at the Club Filipino when Mar announced na tatakbo siya sa pagka-presidente. Tapos nu’ng Wednesday night, ang agang dumating ni Mar sa birthday party ni Mother Lily. So, alam n’yo na.

La Boka
by Leo Bukas