Mother Lily Monteverde, saludo sa galing nina Enchong Dee at Richard Yap sa “Mano Po 7”

ADVERTISING

Mother Lily Monteverde, saludo sa galing nina Enchong Dee at Richard Yap sa “Mano Po 7”

Enchong Dee and Richard Yap
Enchong Dee and Richard Yap

Ayon kay Mother Lily Monteverde during the blogcon of “Mano Po 7: Chinoy”, gustung-gusto niya ang confrontation scene nina Enchong Dee at Richard Yap sa prinodyus niyang pelikula. Na ayon pa sa kanya ay best “Mano Po” movie ever.

“Ang galing-galing nilang dalawa. Feel na feel ko ang eksena and they are very good,” wika pa niya.

Sa “Mano Po 7” ay ginagampanan ni Enchong ang role ng isang pasaway na anak ni Richard. Matindi raw ang confrontation scene ng dalawa at makare-relate ang mga ama at mga lalaking anak na makapanonood nito.

Unang drama movie ni Richard ang “Mano Po 7” at ayon sa actor, medyo na-challenge siya dito. Kakaiba raw ito sa unang light romance series na ginawa niya sa ABS-CBN which is “Be Careful With My Heart” kasama si Jodi Sta. Maria.

ADVERTISING

“Medyo mahirap ito nang konti, pero nagustuhan ko ‘yung challenge na this time ay drama naman ang gawin ko. Nag-enjoy naman ako,” komento naman ni Richard.

With Enchong, sanay na ang actor sa mga dramatic roles kaya hindi na namin tinanong kung ano ang naramdaman niya sa intense confrontation scene nila ni Richard.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING