Mother Lily Monteverde, happy sa box-office result ng “Haunted Mansion”;
Janella Salvador, balik-teleserye sa 2016 katambal si Elmo Magalona

ADVERTISING

Mother Lily Monteverde, happy sa box-office result ng “Haunted Mansion”; <br> Janella Salvador, balik-teleserye sa 2016 katambal si Elmo Magalona

Janella-Salvador-Lily-MonterverdeHappy si Mother Lily Monteverde sa resulta sa box-office ng MMFF 2015 entry ng Regal Films na “Haunted Mansion” dahil for the last three days of the festival ay consistent na nasa Top 3 ang pelikula ng mga bagets na sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce.

ADVERTISING

Sa Last Sunday gross ticket sales, nangunguna ang “My Bebe Love” na sinundan ng “Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin, at ang pangatlo nga ay ang nag-iisang all-out horror movie na “Haunted Mansion”.

Sa totoo lang, maganda ang response ng moviegoers sa pelikula. Nagugulat sila at napasisigaw sa mga eksenang katatakutan lalo na ‘yong halos magkatapat na ang mukha ni Janella at ang decomposing na mukha ng multo played by Iza Calzado.

Ang ganda ng rehistro ni Janella sa pelikula and we hope na kapag tuluy-tuloy ang magandang diskarte sa career niya, 2016 will be Janella’s year.

ADVERTISING

For 2016, balik-telebisyon si Janella Salvador with a new teleserye na “Born for You” from Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network, this time with a new leading man sa katauhan ni Elmo Magalona, na isang malaking challenge sa binata kung makasasabay ito sa galing ng dalaga sa pag-arte.

But knowing Dreamscape, mapipiga nila sigurado Elmo para lumabas ang talent nito sa pag-arte. Sa dinami-rami ng mga nagguguwapuhang mga artista ng Star Magic, kung hindi pa kabahan si Elmo baka maging one shot deal star na lang siya if ever.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING